^

PSN Opinyon

Abalos, mabalos, adios!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

TINUPAD noong Lunes ni Benjamin Abalos Sr. ang matagal nang hini­hingi ng marami. Nag-bi­tiw na siya bilang chairman ng Commission on Elections. Ayon kay Aba­los, masyado   na raw apek­tado ang kan­yang pamilya at ayaw niyang madamay pa ang Come­lec sa gina­gawang pa­ninira sa kanya ng ilang tao. Nang buong bansa siguro, Chairman. Mata­gal na matagal nang sira ang pangalan ni Aba­los sa publiko. Pasensiya na po sa pa­nanalita pero, makapal na ma­kapal na ang tingin sa balat ni Abalos nang nakaka­alam ng mga isyung kina­ sangkutan niya. 

Sa totoo lang, mali­ ban sa ZTE Broadband pro­ject scandal, may­roon pang MegaPacific contract kung saan   P1.3 bil­yon na pera ng bayan ang napunta sa wala dahil may anomal­ya rin ang bidding.  Eh yung nangyaring lan-   ta­rang dayaan sa elek­siyon sa Mindanao no­ong Mayo? At marami pa…

Nirespeto naman  daw ng Palasyo ang desis-yon ng kontro­bersyal     na opis­yal. Ayan, ma-saya na kayo? Sa katu­nayan, marami ang hindi pa ma­saya at kuntento.

Siguradong sari-sari ang opinyon tungkol     sa pagbi­bitiw ni Abalos. Nandyan na ang ayaw lang kasi nitong  huma­rap sa siguradong impeachment sa Kongre­so, para hindi na ma­sang­kot ang  Presidente sa ZTE/NBN deal controversy, dahil bis­ta­dong-bistado na, dahil kumita na, dahil nilaglag na ng Presidente at ng ad­mi­nistrasyon at kung anu-ano pa. Hindi ma­si­si­gurado ng adminis­tras­yon na hindi ma­papa-impeach si Abalos dahil malakas pa rin ang hawak ni Spea­ker de Vene­ cia sa mga tao   niya roon. Pero kung mag-resign si Aba­los at ihabla sa Ombudsman, marami ang nani­niwala na mas hawak ng Mala­cañang ang Ombudsman kaysa sa napakara­ming congressman. Pero ayon   kay Abalos, ang kan­ yang pag­bibitiw ay hindi   pag-aamin sa mga binibin­tang sa kanya, at hindi rin dahil lu­malayo na siya sa mga isyu. Sa katuna­yan pa raw, mas may pana­hon na siya para harapin     ang lahat ng mga nag-aakusa sa kan­ya. Baka nga naman ma­taon sa bayarang huwes eh baka maipa­nalo pa nga naman ni Abalos ang kaso laban kay Romy  Neri at Joey  de Vene­cia. Humirit pa talaga.

Hindi pa raw tapos ang laban. Eh ganun na rin nga ang sigaw ng marami, na hindi maku­kuntento sa pagbibitw lamang sa pwesto. Kai­langan managot siya  sa mga umano’y kasa­lanan niya sa bayan.

Siguradong hindi pa sarado ang libro ng buhay ni Benjamin Aba­ los. Ma­rami pang kaba­nata ang masusulat. Magpapahinga lang sandali ang mga ma­nunulat. Sanggang-dikit si Abalos kay First Gentleman Mike Arroyo, aminin na kasi.  Kum­bin­sido ako na magkasama si First Gentleman at Abalos dito sa broadband project na ito.  Hindi naman basta pa­ pabaya­an ni FG si Aba­los. Maa­aring pahi­ya muna siya ngayon pero, excuse me, hindi kaya marami na naman si­yang kinita sa lahat ng ito? Wala nga lang ang inasam-asam na mala­kihang pang-retirement, ayon sa mahi­wa­­gang pipit sa aking bin-tana. Hindi pa tapos ang no­bela. May balik pa nga raw ito kay Speaker Jose de Venecia na pinag-uusapan na raw sa Kon­g­reso na tatanggalin sa pagiging Speaker. Naki­kipag-meeting na nga     raw sina Manny Villar,    Ping Lacson at De Vene­ cia, kanta pa rin ng pipit.  Pina­aalam ko pa sa pipit       kung ano ang niluluto ng grupo. 

Pero huwag kang magmamadali ng pag­balik sa eksena, Chairman.  Sa totoo lang, hin­di  ka namin mami-miss. Hinding-hindi talaga.

ABALOS

BENJAMIN ABA

BENJAMIN ABALOS SR.

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with