Mabuhay, mga Pilipinong marino at mga OFW!

IPINAGDIWANG noong nakaraang linggo ang Pamban­sang araw ng mga marino.

Nakaaantig ng damdamin bagama’t buhay na realidad ang mensahe ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, partikular ni Pampanga archbishop Paciano Aniceto na chairman ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life.

Sabi niya, napakalaking tulong sa pamahalaan ang remittances ng mga marino at overseas Filipino workers sa kabuuan, ganundin naitataguyod din nila ang pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Pero mas malaki aniya ang kapalit. Marami umano kasi sa mga marino at OFWs ay naisasakripisyo ang maha­ halagang aspeto ng buhay-pamilya –— hindi nila naka­kapiling ang kanilang mga asawa, anak kahit sa maha­halagang okasyon. Hindi nila nasusubaybayan ang mga panahong lumalaki ang kanilang mga anak.

Bukod diyan, marami rin sa kanila ang nasasadlak sa kapahamakan at pagdurusa habang nagtatrabaho sa banyagang lugar at kasalamuha ang katrabaho na iba ang lahi at kultura.

Nawa ay dumating ang panahong dito sa ating bansa ay may sapat na trabaho na may magandang suweldo at benepisyo, resonable ang presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin, ligtas at maayos ang lipunan at ang pamahalaan ay tunay na kumakalinga sa mamamayan, upang ang mga Pilipino ay hindi na kailangang magtrabaho sa ibang bansa para lang may maipakain sa kanilang pamilya.

Nakalulungkot isipin na ang minimithing panahon at sitwasyon na iyon ay hindi pa magkakaroon ng katuparan sa ating bansa base sa nara­ranasan nating istilo ng paggo­gobyerno ng ad­mi­nistras­yong Arroyo.

Sa kabila ng mapait na realidad na ito sa ating buhay, binabati ko ang mga Pilipinong marino at OFWs. Ma­buhay kayo!

* * *

Para sa mga suhes­tiyon at komento, mag-e-mail sa doktora_ng_ masa@yahoo.com.ph

Show comments