^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Marami nang bahid ng putik ang Comelec

-

SA pamumuno ni Chairman Benjamin Abalos nabahiran nang katakut-takot na putik ang Commission on Elections (Comelec). Nabaon sa lusak ang isa sa mga pinaka-powerful na tanggapan. Ngayon ay nanganganib pang mabunot sa kanyang puwesto si Abalos dahil ikinakasa na ang impeachment laban sa kanya. At malamang — sa kauna-unahang pagkakataon ay may Comelec chairman na mapaalis sa puwesto lalo pa at nagpahayag na si House Speaker Jose de Venecia na hindi siya ma­ki­kialam sa impeachment process. Ang anak ni Speaker JDV na si Joey de Venecia III ang nagbulgar na tinangka siyang suhulan ni Abalos ng $10-milyon para umatras ang kanyang kompanya na makipag-bid sa national broadband network (NBN) project.

Maraming kontrobersiya habang si Abalos ang bossing ng Comelec. Siya ang Comelec chairman nang umalingasaw ang “Hello Garci” controversy kung saan ang Comelec commissioner na si Virgilio Garcillano ay na-wiretapped na kausap ni President Arroyo ilang araw makaraan ang 2004 Presidential elections. Itinanggi naman iyon ni Mrs. Arroyo.

Malaking kontrobersiya sa Comelec ang tungkol sa bilyong pisong MegaPacific contract. Ang Mega­Pacific ang nakakuha ng kontrata para magsagawa ng computerization ng election noong 2004. Hindi natuloy ang computerization sapagkat hindi umubra ang mga computer counting machines. Palpak ang mga ito. Ipinag-utos ng Supreme Court ang pagbawi sa bilyong pisong ibinayad ng gobyerno sa MegaPacific pero hanggang sa ngayon, ni singkong duling ay walang ibinabalik ang MegaPacific.

Kasunod niyon ay pagsingaw ng pangalan ni Comelec supervisor Lintang Bedol na umano’y sangkot sa dayaan sa Maguindanao noong nakara­ ang May 2007 senatorial elections. Malaking isyu na siyempre ang pangalan din ni Abalos ang nakakaladkad.

Pero ang nagbigay ng lalong popularidad kay Abalos ay ang NBN project na ang nakakuha ng kontrata ay ang ZTE Corp. ng China. Nagkakahalaga ng $329 milyon ang deal.

Si Abalos ang lumalabas na kontrabida sapagkat bukod kay Joey de Venecia, itinuro rin siya ni NEDA chief Romulo Neri na sinusuhulan siya ng P200 milyon para aprubahan ang kontrata. Pinasinunga­lingan ni Abalos ang akusasyon. Walang katotoha­nan ang lahat!

Maraming bahid ng putik ang Comelec at sigu-ro’y maaalis iyon kung mawawala rito si Abalos.

ABALOS

ANG MEGA

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC

HELLO GARCI

HOUSE SPEAKER JOSE

LINTANG BEDOL

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with