Credible

PIYESTA ang Senado sa naganap na Abalos vs. Neri konfrontasi. Maliban sa mga detalye mismo ng ZTE-NBN corruption, tiba-tiba ang media sa dami ng istorya: Abalos vs. Pimentel; Gordon vs. Cayetano; Ermita vs. Ermita (Tina­wagan ba niya si Neri o hindi?); Neri vs. Razon; Miriam vs. the Chinese Race; at meron pang mga huni ng iskandalo sa personal na buhay ni Chairman Abalos.

Hindi na ikinagugulat ng bansa na may mangangahas magsinungaling sa Senado. Para bang sanay na ang bayan na walang maaasahang katotohanan sa ating mga matataas na opisyal. Sinuman ang pinaniniwalaan, malinaw na merong hindi nagsasabi ng totoo (I object sa sinabi ni Sen. Miriam na “they may all be telling the truth”).

Ang ZTE-Broadband scandal ay nauwi na sa isyu ng kredibilidad. Mas kapani-paniwala raw si Sec. Neri dahil siya mismo ang sinuhulan, siya’y hindi pulitiko at may mataas na trust rating (kahit puro depensa nito kay GMA nung HYATT 10 resignation). Kontra raw kay Abalos na mababa ang trust rating at sangkot sa Hello Garci, Mega-Pacific atbp. Si JDV III naman daw ay may pinansyal na interes sa kontrata kaya nagreklamo. Para sa REPORT CARD, kailangan pa ring tingnan muna ang ebidensiya ng dokumento at testimonya. At kung sakaling kulang ito, balingan ang motibo. Hindi iyan sa hitsura nakukuha, Luli.

Hindi pa rin malinaw ang interes ni Abalos sa isang kontrata na wala namang kinalaman ang kanyang tang­gapan. Bakit ganun na lang ang pagtulak niya sa ZTE deal? Hindi raw  nagpunta sa China gayong napatunayang 6 times pala siyang bumiyahe roon sa loob ng isang taon. At ang lahat na itinangging paratang na nakipag-meeting siya sa iba’t ibang mataas na opisyal ay lumalabas na puros katotohanan pala, maging “chance” meeting o hindi. (INCREDIBLE ang suwerte nitong si Abalos: “chance” meeting lang sa Wack-Wack with Mendoza; “chance” meeting din ulit sa Shangrila Hotel with Zubiri nung Senate canvass).

Si Neri ang rebelasyon (bagama’t panay pa rin ang depensa kay GMA). Kung tumahimik na lamang siya, wala sanang makaaalam nitong panunuhol na kanya namang tinanggihan (wika nga ni Miriam, “both … camps, except for … Neri, are competing for the P1.5 billion {commission}). Ngayo’y nanganganib ang kanyang komportab­leng kalagayan. Dahil puwesto, pangalan at sariling kaligtasan ang itinaya, lumalabas na mas kapani-paniwala si Neri.

Show comments