^

PSN Opinyon

Ang jueteng sa Region 1 to 5

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MARAMI palang nagtatagong taga areglo sa mga bugok na tulisan este mali kapulisan pala at LGU’s pagdating sa operasyon ng jueteng.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Boy bata, ang aso ni Nieves at Noriega ang siyang kolektor pang-nacional.  Ibig sabihin from region 1 to 5 hindi pa kasama todits ang National Capital Region at mga sugal lupa.

Mga lagapot just wait ang read!

Sa Region 1-Ilocos Norte sa 7 district umaabot sa P2 million ang engreso everyday, sa Ilocos Sur-sa tatlong distrito P2.5 million, sa La Union pitong distrito ay P1.5 million. Si Bonito, ang kausap sa tatlong provinces.  Sa Pangasinan, may anim na distrito ang jueteng operation take note, P8 million ang engreso todits araw-araw. Sabi nga, grabe ang Pangasinan!

Sina Boy bata at Mijora ang kausap todits ng mga kamoteng official ng lespu at bugok na taga-local government unit.

Sa Cordillera Autonomous Region-Baguio, Abra, Benguet at La Trinidad P3 million ang engreso medyo nagkakagulo todits dahil bumitaw ang bangka nina Raffy at Allan pero si Marasigan ang kausap.

 Ika nga, wait and see ang mga kuwago ng ORA MISMO!

 Sa Region 2-Aparri P200 thousand, Tuguegarao P500 thousand si Garcia, bata ni Dansor ang nakikipagusap sa mga kamote todits regarding sa intelihensia para huwag bulabugin. Sa Isabela P4 million kada araw kaya naman tiba-tiba rito si Tony Ong, druglord ang kapitalista at Nora de Leon si Boy bata rin ang kausap. Sa  Nueva Viscaya P1.5 million ang engreso, si Tony Ong pa rin ang bangka at Nora de Leon si Boy bata pa rin ang kausap sa intelihensiya  at sa Quirino P400 thousand ang engreso si Boy bata, ang katiwala ulit.

Paging General Amateo Tolentino. Ano kaya ang masasabi ng kaparian sa dayaan bolahan sa jurisdiction ni Tolentino?

Sa Region 3-Zambales P1.5 million ang engreso si Peping kamote ang bangka. Tuluy- tuloy pa rin ang jueteng operation dito kahit na nagpa-“praise release” si Zambales Gov. Amor Doloso na patitigil niya ang dayaan bolahan sa kanyang territory.

Naku ha? With matching photo pa ito ng ipadala sa diyaryo kasama ang mga buwaya este mali foolish cops pala, he-he-he!

Sa Bataan P1.7 million ang engreso siyempre si Bong ng Lubao ang kumpare ang bangka todits. Sa Pampanga P12 million ang engreso a day naku Governor Among ano ba ang nangyari diyan si Bong ng Lubao ang kumpare pa rin ang bangka akala ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumigil ang jueteng operation diyan. Sa Nueva Ecija, sarado pa pero P5 million ang engreso todits kung nag-ooperate. Nag-aaway kasi ang mga tekamots todits kaya ganito. Sa Tarlac  P1.7 million everyday sina Allan at Bebot ang bangka. Bakit kaya sila tumakbo sa Baguio? He-he-he!   Sa Bulacan P4.5 million ang engreso si Bong ng Lubao ang kumpare ang bangka ng jueteng todits.

Alam mo ba ito Region 3 Director Errol Pan? Hindi ka ba kinukulit ng Simbahang Katoliko tungkol sa jueteng, Sir?

Region 4-A-Cavite P2 million si Ebeng ang kausap. Laguna P3 million si kuento at Totoy garapata ang management si Ka Loloy ang kausap. Sa Batangas 1st district bukas na ang jueteng operation P6 million ang engreso si Don Pepe ang bangka.  Ano kaya ang masasabi dito ni Bishop Arguelles paano kaya nabilog ang ulo nito sa dayaan bolahan?  Ano kaya ang nangyari kay Governor Vilma Santos Recto, mukhang nabulag siya rito? Pakibusisi nga po! Sa Quezon province P5 million ang engreso pero may magtatanggol sa dalawang bangkang magsiyota na hindi jueteng ang operation kundi STL.  Naku ha?

Ang sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Charing binuhusan at Eddie “kastila”; alyas kabayo ang bangka sa dito. Sa Rizal P2 million ang engreso ang matandang “Bulok” ang bangka.

Tiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi alam ito ni Region 4-A Radovan na may jueteng sa kanyang jurisdiction.

Region 4-B- Mindoro Oriental P1.2 million engreso everyday at sa Mindoro Occidental P2 million isang palaka na, ang kausap.

Romblon, Palawan, Marinduque ay sarado pa! Sabi nga, wait and see!

Region 5-Camarines Norte P1.5 million Umali group ang may hawak at dapat kausapin, Camarines Sur P3 million si Herrera ang kausap.  Sa Albay sarado pa, Sorsogon, si Leony ang bangka at kausap. Catanduanes sarado pa rin.

“May magagawa kaya rito si PNP Chief Sonny Razon?” tanong ng kuwagong mananaho.

“Sa October 1 siya na ang bagong bossing ng kapulisan” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Kung ganoon wala na ang grupo ni Nieves para mangolekta sa jueteng?” tanong ng kuwagong Kotong cop.

“Si Boy bata nga ang gamit niya kaya dehins pala mabuku-buko,” sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.

“Worthy ba si Nieves?”

“Negative ginamit niya lang ito sa pansariling interes.”

“Masibak kaya siya? Siyempre wala na ang Panginoon niya sa kampo.”

“Ano ang mangyayari sa kanya?”

“Sana makasuhan sa unexplained wealth.”

“Bakit naman?”

“Kamote, maraming binukulan.”

ANO

ENGRESO

MILLION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with