ZTE Broadband Deal. DepEd Cyber Education Project. Unti-unti nang nakikiangkas ang pamahalaan ng Pilipinas sa bumubulusok na barko ng teknolohiya. Sayang nga lang at hindi nailagan ang kontrobersiya. Ngayon at nasisinagan ng liwanag ang mga transaksyon, sana’y matuloy din ang mga ito sa mas maayos na paraan.
Telecommunications at satellite technology na kaugnay ng INTERNET. Para mapabilis ang komunikasyon sa gob yerno (broadband) at para palawakin ang curriculum (CyberEd). Dalawa na naman sa milyong halimbawa kung paano napadali ng INTERNET ang ating buhay. Inihambing sa pagtuklas ng apoy at sa imbensyon ng gulong, ang INTERNET, tulad ng lahat ng kapaki-pakinabang na produkto, ay mayroon din masamang gamit.
Pinaalala ni Senate President Manny Villar kamakailan ang isang salot na dulot ng INTERNET – ang pag-usbong ng ilegal at imoral na praktis ng “MAIL-ORDER BRIDES”. Abot kalahating milyong Pilipina kada taon ang nabibiktima, ang iba sa halagang $5 lamang. At ang mayorya nito ay sa prostitusyon ang bagsak. Nakakalusot ang mga sindikatong gumagawa nito dahil ang mga catalogue o brochure na ginagamit upang mang-akit sa mga dayuhan ay malaya nilang nailalagay sa INTERNET.
Mula pa noong 1990 ay mayroon nang batas laban sa Mail-order bride business na akda ni Senate President Ernesto M. Maceda. Nagalit si Senate President Villar nang malaman na hindi pinapatupad ng mabuti ang batas. Malapit-lapit na ring mag-hearing sa Senado upang muling tuunan ng pansin ang problema. Ayon kay Catanduanes Congressman Joseph Santiago, kulang ang mga hakbangin ng IACAT (Inter-agency Council against Trafficking). Dapat daw ay hikayatin nito ang mga lehitimong online matchmakers na ipulis ang kanilang ranggo – at siguruhing lahat ng impormasyon laban sa “illegal trafficking in persons” na dapat nalalaman ng gumagamit ng kanilang site ay mababasa.
Ang susi sa pagsolusyon sa problema ay edu kasyon pa rin at impormasyon. Kung ang mga pobre nating kababayan ay mawawarningan sa tuwing pupuntahan ang INTERNET sites, tiyak mababawasan ang mabibiktima. Sala- mat sa pagkilos ni Senate President Villar at Congressman Santiago at hindi nawawala sa ating kamalayan ang masaklap na katotohanang ito.