NARITO po ang liham ng mambabasa na aking natanggap:
Kami po ng aking pamilya at mga kamag-anak ay may maliliit na bukirin sa Bgy. Dao, Sitio Ander, Batangas City. Kami ay may mga alagang hayop-bukid tulad ng baka, kambing, baboy at mga manok na Tagalog.
Ang mga alaga namin ay hindi gaanong mataas ang lahi, at mahina at matagal ang paglaki. Mahirap na rin po ngayon dito sa amin ang pagpastol ng aming mga alaga dahil ang kalakhan ng mga lupang damuhan ay nabili na ng mayayaman. Upang maging malusog ang aming mga alaga tuwing malapit nang ibenta ay aming sinusuportahan ng animal feeds, kahit mataas ang halaga ng feeds na ito. Sa kabuuan po ay kokonti na lang ang aming tinutubo.
Salamat po at tamang-tama ang pagkakataon na nabasa namin ang inyong sipi tungkol sa Philippine Goat and Sheep Center na ipinanukala ng inyong anak na si Senate President pro tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
— MGA TAGASUPORTA AT TAGASUBAYBAY NINYONG LAHING BATANGUENO SA DIVERSION ROAD, BOLBOK, BATANGAS CITY: GINOONG PETROCIELLI A. CAMACHO; PEDRO A. CAMACHO, JR.; FELIX DE LOS REYES; GILBERT CUETO; THELMO R. CUETO; PETER PAOLO A. CAMACHO; CAMILO DE LOS REYES; EPIFANIA AREVALO CAMACHO; LEOCIO D. AREVALO; ENGRACIA DE LOS REYES; JON PETARCH A. CAMACHO; REMILYN CUETO CAMACHO; ANTHONY GUTIERREZ AT WILSON ROSALES
Dear Mr. Camacho at mga kasama:
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aking kolum dito sa Pilipino Star NGAYON at sa patuloy n’yong suporta.
Ang mga detalye po na itinatanong ninyo tungkol sa naturang panukala ay tatalakayin pa ng mga senador, pero umasa po kayo na ang inyong mga concern ay ikokonsidera ni Jinggoy. Pansamantala po, ang ibang detalye na nais nyong malaman ay available sa Department of Agriculture.
* * *
Para sa mga suhestiyon o komento, mag-e mail sa doktora_ng_ masa@yahoo.com.ph