Junk the ZTE deal and save GMA’s face
BUTI na lang at sinuspinde na ni Presidente Arroyo ang broadband deal na nagdulot na naman ng batik at kahihiyan sa kanyang pangalan.
The court of public opinion has handed down it’s guilty verdict on all persons implicated by businessman Joey de Venecia III to the so-called “ZTE scam.” Mahirap burahin ang paniniwala ng taumbayan na may naganap na suhulan sa US$329-milyong kasunduan ng Pilipinas at
It’s not too late and PGMA may yet save her face by junking the questionable deal. The sooner, the better. Kapag ginawa ito ng administrasyon, mapapatunayan ang mabuting intensyon nito. Mapapasinungalingan ang mga alegasyon ng negosyanteng si JDV-III. Pero mukhang mahirap gawin lalu pa’t sangkatutak na milyong dolyares ang mapupurnada. Magiging convenient excuse ng mga gustong ituloy ang proyekto na “mapapahiya ang bansa sa China” kapag tinalikuran ang kontrata. Kapag may nag-advice kay PGMA ng ganyan, sana soplahin niya. Tatlong taon na lang ang Pangulo sa puwesto at nawa’y huwag siyang mag-iwan ng bad aftertaste sa bibig ng taumbayan.
Madalas mang negatibo ang puna ko kay Sen. Mar Roxas sa ibang aspeto ng kanyang political career, ngayo’y aayon ako sa kanya. Roxas strongly urged President Arroyo to cancel the controversial agreement.
Sa Senate probe na idinaos nung Huwebes, napakahusay magsalita ng mga cabinet execs ni PGMA, lalu na si Budget Secretary Andaya. Pero gaano man ka-eloquent ang paliwanag, hindi napatunayan ng “full force” ng gabinete na importante para sa bayan ang pagkakaroon ng gobyerno ng sariling broadband network. Tama ang analogy ni Roxas. Parang bumili ka ng sariling highway dahil natataasan ka sa singil ng North Expressway. Kaya hindi masisisi ang tao kung makumbinsing kickback lang talaga ang hangad ng mga taong nagsusulong ng proyektong ito.
Tutal, ang mga opisyal mismo ni PGMA ang nagsabing wala pa namang pinal na kontratang nararating ang China at Pilipinas kaugnay ng proyektong ito, puwede pang mag-”back-off” eheste back-out.
Isa lang ang problema kung magba- backout. Paano kung may milyun-milyon nang dolyares na naibigay ang China bilang komisyon gaya ng alegasyon ni JDV III? Baka (knock on wood) may maibalitang mataas na opisyal ng gobyerno na itinumba ng “Chinese mafia.” Wika nga ni Cong. Teddy-Boy Locsin, baka may taong dumating galing sa Hongkong na iika-ika dahil binaril ng isang Chinese gunman sa binti.
- Latest
- Trending