ANG OFW Family Club (OFWFC) ay isang non-government organization at ang layunin nito ay ang pagbibigay ng tulong sa mga OFW sa abroad at sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas, miyembro man sila ng OFWFC o hindi.
Ang dapat unang gawin ng mga OFW ay humingi muna ng tulong sa mga ahensiya ng gobyerno kung sila ay may problema. Kung sila ay kasalukuyang nasa abroad, dapat lumapit sila sa mga Consul, Labor Attaché, Philippine Overseas Labor Officer (POLO) o di kaya sa mga Welfare Officer (WELOF) na naka-assign sa mga embassy o consulate.
Kung sila naman ay nasa Pilipinas, o di kaya sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan na nandirito, maaari silang pumunta sa mga tanggapan ng DOLE, POEA, OWWA o DFA. Bagamat ito ang dapat nilang gawin, nakaugalian na ng mga OFW na lumapit muna sa OFWFC. Ganoon pa man, ang OFWFC na lamang ang sadyang nagbibigay sa kanila ng referral upang mabigyan sila ng serbisyo ng mga ahensiyang ito.
Dahil marahil sa tagal na ng pagbibigay ng serbisyo ng OFWFC sa mga OFW, madalas ding nangyayari na ang mga ahensiya ng gobyerno ang unang nagbibigay ng referral sa mga dumudulog sa kanila, upang mabigyan ng tulong ng OFWFC. Magandang pala-tandaan ito ng cooperation ng gobyerno at ng mga pribadong NGO, at nagiging katulong na kami ng gobyerno sa pagbibigay tulong sa mga tao.
Kung hindi man direktang lumalapit sa OFWFC, marami na ring mga OFW at mga kapamilya nila na tumatawag at nagpapadala ng text sa aking radio program (Kol Ka Lang) sa Radio Veritas, at natutuwa ako na mayroon pang isang paraan na makatulong ako sa mga tao. Salamat sa Radio Veritas, naririnig na rin ako ng mas maraming tao, kasama ang ka tandem ko na si Ka Iking, ang aking kapatid na nagbibigay serbisyo naman sa kabuhayan.
* * *
Makinig sa “KOL KA LANG” sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail iseneres@yahoo.com, text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club 1986 Taft Ave. Pasay