^

PSN Opinyon

Ang Biktimang-Suspek...

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PARANG isang shooting sa pelikula ang eksena ng hostage drama kuno na pinagpiyestahan ng media noong nakaraang Lunes sa Tandang Sora, Quezon City.

Ang suspek, Si Jaime Sacote, na kung tutuusin ay isang biktima lamang ng illegal recruitment.

At dahil naburyo, ang huling agency na pinag-aplayan nito ang napagdiskitahan at hinostage daw ang emple­yada na si Ergie.

Ayon sa eksklusibong panayam ng BITAG sa biktima ng panghohostage na empleyada ng agency na si Ergie, uminit daw ang ulo ng suspek na si Jaime nang mag-bayad ito ng kuwarenta pesos para sa kanilang registration fee.

Sa dinami na daw nang napuntahang agency para aplayan ng suspek, hiningian lang daw ito ng pera at wala ding nangyari.

Kaya ang resulta, pagdating sa kanilang agency, tinopak ang suspek na si Sacote at siya ang napag­dis­kitahan.

Hindi nito malaman kung maaawa o magagalit sa suspek sa ginawang panghohostage kuno sa kaniya.

Subalit alam ng BITAG na naiintindihan ni Ergie ang sitwasyon at naging reaksiyon nang suspek na nang­hostage sa kanya.

Kung sino nga naman daw kasi ang pulubi at nanga­ngailangan sa panahon ngayon ay sila pa ‘yung madalas lokohin at gantsuhin lalo na ng mga illegal recruiter.

Ang dahilan ng problema, kumbaga sa isang peli-kula ay main plot, pagpapangako ng trabaho at mala­bong proseso ng recruitment. Kaya’t ang climax, hostage-drama!

Iba’t-ibang reaksiyon ng mga biktima ng illegal      recruit­ ment ang nai­do­kumento na ng BI­TAG. Mga maaaksi­yong ek­se­nang naga­ga­nap kapag nagha­harap na ang biktima at inaaku­sahang illegal recruiter sa presinto ng pulis.

May sapakan o sun­tukang ala-Manny Pac­quiao, sabunutan at sampalan, tadyakan at tulakan at meron pang buhusan o sabuyan ng tubig.

Mga eksenang ma­ki­kita mo na epekto la­mang ng problema, sa ganitong paraan na lang kasi makakabawi ang mga biktimang na­loko na.

At may posibilidad pang dumami ang mga katulad nila at ni Jaime Sacote hangga’t hindi tumitigil ang mga illegal recruiter at iba pang bogus na job agencies sa kanilang raket na panloloko at pangga­gantso.

Sa katanungan nga ng BITAG sa suspek  na si Jaime kung nagsi­sisi ba siya sa kaniyang ginawa, isang matigas na “hinding-hindi!” ang kanyang kasagutan.

Ibig sabihin, kapag nakasilip ulit ng pagka­kataon si Jaime, uulitin nito ang ginawa niyang pangho-hostage. 

Aabangan ng BITAG ang susunod na pagha­harap ng ilan pang illegal recruiter, agencies at iba pang katulad ni Jaime!

vuukle comment

ERGIE

JAIME

JAIME SACOTE

KAYA

MANNY PAC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with