MALAWAKANG recruitment ang kasalu kuyan ginagawa ng kampo ni ousted Pres. Erap Estrada para sa isang kilos-hakbangin na isinagawa nila dahil sa nakaambang pagpalabas ng Sandiganbayan ng desisyon sa plunder case niya. Ang balita ko mga suki, may pondong P200 milyon ang kampo ni Estrada sa kanilang kilos protesta. Sa tingin kasi ng mga nakausap ko sa Manila Police District (MDP) ito na ang last hurrah ni Estrada kaya’t ilalabas na nila ang lahat ng nakatago nilang pera para tapalan ang mga supporters niya, lalo na ang mga mahihirap, sa isang malawakang pagkilos laban sa gobyerno ni President Arroyo.
Tiyak, babaha na naman ng pera. Sa tingin ng mga kausap ko sa MPD, aabot sa P2,000 hanggang P3,000 kada tao ang nakalaang pondo para sa mga sasali sa hakbangin ng kampo ni Erap. Kaya sa kasalukuyan, minamatya- gan ng mga kapulisan at military ang mga squatters area ng Metro Manila kung saan kadalasan nagri-recruit ng mga players sa kilos protesta ang maka-Erap. He-he-he! Sasama tiyak ang mga kaliwa o NPA at tiyak malaki rin ang budget nila, di ba mga suki?
Hindi pa masabi ng mga kausap ko sa MPD kung anong araw talaga ibababa ng Sandiganbayan ang desisyon sa plunder case ni Erap. Pero ipi nahayag ng intelligence officer ng MPD na bago ilabas ng Sandiganbayan ang desisyon nila, magkakaroon muna ng malawakang pag-anunsiyo ukol dito tatlong araw sa nakatakdang petsa. Kaya ang magkabilang panig sa ngayon ay nag-aabang ng anunsiyo ng Sandiganbayan.
Kasama sa excited sa decision ng Sandiganbayan ay ang Plunderwatch na itinatag ng mga komunista para isulong ang guilty verdict kay Erap. Pero sa ngayon, mukhang gusto na ng Plunderwatch na maabsu-welto si Erap, di ba mga suki?
Habang nasa kasagsagan naman ang recruitment nina PMAP chair Ronald Lumbao at mga oposisyon, ang kapulisan naman ay nasa kainitan din ng pagsasanay ng kanilang anti-riot police para paghandaan ang kilos protesta ng kampo ni Erap.
May mga bagong armas at gamit pang-depensa ang CDM units ng NCRPO ni Dir. Gen. Reynaldo Varilla kaya’t sinasanay sila. At para rin ma-record ang naturang event, iimbitahan din ni Varilla ang mga human rights lawyers na armado ng mga video camera na i-cover ang kilos protesta ng maka-Erap crowd para ipakita sa sambayanan kung sino talaga ang nagsimula ng kaguluhan kung humantong man sa madugong bakbakan ang kumprontasyon ng magkabilang panig. Kapag natuloy ang kilos-protesta ng kampo ni Erap, tiyak bago na naman ang kotse ni Lumbao pagkatapos nito, di ba mga suki?
Matatandaan kasi mga suki na sina Lumbao at marami pang mga lider kuno ni Erap ay mahirap lang suba-lit matapos ang ilang kilos-protesta eh na-kayanan na nilang bumili ng mga luxury vehicles tulad ng Pajero, di ba Mr. Horacio Morales Sir?
Abangan!