^

PSN Opinyon

P200-M ang pondo ni Erap para sa kilos protesta

- Bening Batuigas -

MALAWAKANG recruitment ang kasalu­ kuyan ginagawa ng kampo ni ousted Pres. Erap Estra­da para sa isang kilos-hakbangin na isinagawa nila dahil sa nakaam­bang pag­palabas ng Sandi­gan­bayan ng de­sisyon sa plunder case niya. Ang balita ko mga suki, may pondong P200 milyon ang kampo ni Estrada sa kanilang kilos protesta. Sa tingin kasi ng mga  nakausap ko sa Manila Police District (MDP) ito na ang last hurrah ni Estra­da kaya’t ilalabas  na nila ang lahat ng na­katago nilang pera para tapalan ang mga supporters niya, lalo na ang mga mahihirap, sa isang malawakang pag­kilos laban sa gob­­yerno ni President    Arroyo.

Tiyak, babaha na naman ng pera. Sa ti­ngin ng mga kausap   ko sa MPD, aabot sa P2,000 hanggang P3,000 kada tao ang nakalaang pon­do para sa mga sasali sa hak­bangin ng kampo ni Erap. Kaya sa kasalu­kuyan, minamat­ya- gan ng mga kapulisan at military ang mga squatters area ng   Me­tro Manila kung saan ka­dalasan nagri-recruit ng mga players sa kilos pro­testa ang maka-Erap. He-he-he! Sasa­ma tiyak ang mga kaliwa o NPA at tiyak malaki rin ang budget nila, di ba mga suki?

Hindi pa masabi ng mga kausap ko sa MPD kung anong araw talaga ibababa ng San­digan­bayan ang desis­yon sa plunder case ni Erap. Pero ipi­ nahayag ng intelligence officer ng MPD na bago ilabas ng Sandigan­bayan  ang desisyon nila, mag­kakaroon muna ng ma­lawakang pag-anun­siyo ukol dito tatlong araw   sa nakatakdang petsa. Kaya ang mag­ka­bilang panig sa nga­yon ay nag-aa­bang   ng anun­siyo ng Sandi­ganbayan.

Kasama sa excited sa decision ng Sandi­gan­bayan ay ang Plun­der­watch na itinatag     ng mga komunista para isulong ang guilty verdict kay Erap. Pero sa ngayon, muk­hang gusto na ng Plun­der­watch na ma­ab­­su­-welto si  Erap, di ba mga suki?

Habang nasa ka­sag­sagan naman ang recruitment nina PMAP chair Ronald Lumbao   at mga oposisyon, ang   ka­pulisan naman ay nasa kainitan din ng pagsasa­nay ng kani­lang anti-riot police para paghandaan ang kilos protesta ng kam­po ni Erap.

May mga bagong armas at gamit pang-depensa ang CDM  units ng NCRPO ni  Dir. Gen. Reynaldo Varilla kaya’t sinasa­nay sila. At para rin ma-record ang na­turang event, iimbita­han din ni Varilla ang mga human rights lawyers  na armado ng mga video camera na i-cover ang kilos pro­testa ng maka-Erap crowd para ipakita sa sambayanan kung sino talaga ang nag­simu­la ng kaguluhan kung humantong man sa ma­dugong bak­ba­kan ang kumpron­tas­yon ng mag­ka­bilang panig. Kapag natuloy ang kilos-pro­testa ng kampo ni Erap, tiyak bago na naman ang kotse ni Lumbao pag­ka­ta­­pos nito, di ba mga suki?

Matatandaan kasi mga suki na sina Lum­bao at marami pang mga lider kuno ni Erap ay mahirap lang suba-lit matapos ang ilang kilos-protesta eh na-ka­yanan na nilang bumili ng mga luxury vehicles tulad ng Pa­jero, di ba Mr. Horacio Morales Sir?

Abangan!

vuukle comment

ERAP

KILOS

SANDI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with