^

PSN Opinyon

Low cost hindi ‘cheap’

- Al G. Pedroche -

CHEAP medicine bill. Iyan ang tawag sa isinusulong na batas sa Kongreso na layuning ibaba ang halaga ng gamot sa bansa. Pangit ang kahulugan ng cheap. Hindi lang halaga ang mababa kundi pati kalidad. Sabagay terminolohiya lang iyan. Pero sa palagay ko mas mabuting palitan ng “low cost” ang katagang “cheap.”

Ayon kay Iloilo Rep. Ferjenal Biron na principal author ng panukalang batas, ang presyo ng gamot ay maiba-  baba nang mula walumpu hanggang pitumpung porsi-yento kapag ang bill ay naisabatas. Maganda. Maraming dahop na Pinoy ang namamatay na lang sa karamdamang hindi nalunasan dahil sa mataas na hala­ga ng medisina.

Ire-regulate kasi ng gobyerno ang halaga ng gamot mula sa manufacturing hanggang sa transport  at distribution nito.

Kaya kung ang gamot ay gawa sa Pilipinas, sigu­ radong mababa ang halaga nito, ani Biron. Ayos din ang isinasaad sa bill na pagtatayo ng super drug regulatory agency gaya ng Food and Drug Administration ng Ame­rika. Impo­rtanteng maisailalim sa superbisyon ng gob­yerno ang mga drug manufacturers para tiyaking mata­ as ang kalidad ng gamot na ginagawa nila. Baka kasi dahil sa pinababang presyo ay tipirin din ang formulation ng gamot. Inuulit ko, sana low cost pero hindi cheap ang quality. Aba, buhay at kalusugan ng mga Pilipino ang nakataya riyan.

AYON

AYOS

BIRON

DRUG ADMINISTRATION

FERJENAL BIRON

GAMOT

ILOILO REP

IMPO

INUULIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with