^

PSN Opinyon

Pero nasaan pa rin ang ZTE contract?

SAPOL - Jarius Bondoc -

NU’NG April 21 inanunsiyo ng Malacañang ang kasun­duan sa China para sa broadband network ng gobyerno. Pinir­mahan daw ni DOTC Sec. Larry Mendoza at ZTE Corp. vice pre­sident Yu Yong ang pag-supply ng $330 milyon (P16 bilyon) system. Pero wala silang ipinakitang kontrata.

Umangal ang mga kalabang Amsterdam Holdings Inc. at Arescom. Mas mababa ang offers nila kay Mendoza. Para sa parehong setup, sisingil lang ang Arescom ng $135 milyon, wala pang kalahati ng sa ZTE. Ang AHI naman, tutustos ng sariling $240 milyon para itayo ang network, walang gastos sa gobyerno, basta sa kanya ito magsu-subscribe pero sa mas murang halaga. Nanawagan pa si US ambassador Kristie Kenny na huwag apurahin ang pag-award ng kontrata. Hiningi nila ang paglantad nito sa publiko. Pero wala pa ring nilabas na kontrata.

Nag-advertise sa dyaryo ang anim na samahang negos­yante. Anang Management Association of the Phils., Financial Executives Institute of the Phils., Foundation for Economic Freedom, Makati Business Club, Bishops-Businessmen’s Conference, at Action for Economic Reforms (AER) na ibasura ang proyekto at gamitin na lang ang pera sa pagpapatayo ng classrooms. Hindi pa rin nilabas ang kontrata.

June 20 sa AER forum, sinabi ni DOTC Asec. Lorenzo For­moso na kaya hindi mailabas ang kontrata ay dahil ninakaw kuno ito matapos ang pirmahan sa harap ni President Arroyo. Pero na-reconstitute na raw ito, kaya puwede nang makakuha ng kopya. Humingi ang AER at sina  dating finance secretary Ernest Leung, dating DOTC Usec. Josie Lichauco, at Peter Wallace ng foreign chambers of commerce sa Pilipinas. Hanggang ngayon wala pa rin silang kopya.

Nu’ng Martes sinabi ni Justice Sec. Raul Gonzalez na legal ang kontrata miski maraming umaangal. Pero hindi pa rin niya ito ipinakita.

Uutangin natin sa China ang $330 milyong pambili ng telecoms system sa ZTE. Babayaran natin nang 20 taon. Karapatan nating malaman kung ano ang babayaran natin. Pero itinatago ito sa atin. Niloloko tayo!

vuukle comment

AMSTERDAM HOLDINGS INC

ANANG MANAGEMENT ASSOCIATION OF THE PHILS

ARESCOM

ECONOMIC FREEDOM

ECONOMIC REFORMS

ERNEST LEUNG

FINANCIAL EXECUTIVES INSTITUTE OF THE PHILS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with