MATINDI ang scam regarding sa recruitment ng overseas Filipino workers na gustong mag-hotraba sa Macau dahil sangkatutak na ang nabola para magtrabaho todits kahit na wala pang job order ang POEA para todits.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, job order ang very important para maisyuhan ng working permit ang mga kababayan nating gustong magtrabaho sa Macau ng legal.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umaalis ang ni-recruit na manggagawa sa NAIA dahil may tourist visa ang mga ito ang problema pagdating sa Macau dito mag-uumpisa ang kanilang kalbaryo.
Mag-siyota ang dalawang mataas na opisyal ng DOLE na nagsabwatan para linlangin ang mga noypi na gustong maghotraba sa nasabing lugar kaya naman ang singilan todits ay grabe. Sabi nga, hanggang leeg!
Ayon sa impormasyon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumapit daw si Congresswoman Carmencita Reyes kay DOLE Secretary Art Brion para hilingin na tulungan siyang mapaalis ang mga constituents patungong Macau upang magkaroon ng magandang trabaho at mataas na suweldo para makatulong sa kanilang pamilya at guminhawa kahit na papaano.
Sabi kasi ni Congresswoman Reyes, maraming taga-Marinduque ang gustong magpunta sa Macau dahil nabalitaan ng kanyang mga kababayan na may opening todits at maganda ang sahod
Siyempre dahil kaibigan ni Art si Congresswoman ay mabilis itong tumawag sa POEA para alamin ang mga requirement para sa Macau.
Ang masama ng sumagot kay Secretary Brion ang POEA at ipaliwanag dito na walang job order at hindi puwedeng magbigay ang gobyerno ng working permit para makapagtrabaho ng legal ang isang noypi sa Macau.
Sa inis ni Art porke napahiya kay Congresswoman ay mabilis na nagpaimbestiga sa mga official sa POEA para alamin kung sinu-sino ang nagsabwatan sa illegal recruitment.
Ayon sa source, may dalawang official sa DOLE ang mag-siyota at sila ang nagmamanipula ng recruitment para sa Macau sa malaking halagang pitsa.
Ganito raw ang modus operandi, kakausapin ng official ng DOLE na nakatalaga sa Macau ang mga employer todits na nangangailangan ng mga workers at sasabihin siya ang bahala sa mga papeles na kailangan sa nasabing bansa.
Kapag dumating sa Macau ang mga Pinoy na na-recruit ng siyota niya sa Pinas sisingilin ng kamoteng ito ng additional US$300.00 each ang mga pobreng alindahaw para ayusin ang mga papeles pero ang mga nagbigay ng pitsa ay magkakaroon naman ng maayos na trabaho dahil napapayag nito ang mga kaibigang employees sa nasabing lugar.
Ang problema dalawa hanggang tatlong linggo lamang puwedeng magtrabaho ang mga pobreng alindahaw sa mga employer na kaibigan ng kamoteng taga-DOLE dahil hirap silang makakuha ng working permit.
Ika nga, paano makakakuha walang job order. Sabi nga, no permit, no work!
Nakarating sa knowledge ni Secretary Brion ang modus ng magsiyotang official ng DOLE kaya anuman oras mula ngayon ay sisipain na sila sa puesto at ibabalik sa Manila.
Ang imbestigayon ay inuupuan at itinatago ng isang official sa POEA na inutusan ni Secretary Brion na gawin.
Sangkaterbang sumbong at reklamo ang sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para bigyan ng aksyon sa lalong madaling panahon ang problema.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nasabing anomalya ng illegal recruitment sa Taiwan at maging sa Macau ay una ng ibinulgar ni Dong Batol, reporter sa Palawan na pinatay ng mga sindikato nang bukuhin ang scam todits.
HIndi birong pitsa ang pinag-uusapan todits kaya nila pinatay si Batol!
Itinanong nga pala ni Secretary Brion sa POEA ang pangalan ng recruitment agency na nagpapadala ng mga workers sa Macau ang sagot ng huli ay “DELISTED” na ito. Sabi nga, illegal recruiter!
“Anong aksyon ang gagawin ni Secretary Brion sa kanyang dalawang official na pinaiimbestigahan?” tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.
“Dapat tanggalin ito sa DOLE at kasuhan para makulong,” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
“Ang daming pera nito siguro panahon na din para ma-freeze ang kanilang mga asset” sabi ng kuwagong Kotong cop.”
“Dapat lang dahil tarantado ang dalawang ito.”
“Puwede ba silang balatan ng buhay?”
“Huwag na dahil hindi mo rin sila makakain.”
“Bakit?”
“Maitim ang kanilang laman, kamote!”