^

PSN Opinyon

Barangay polls  di dapat makansela

- Al G. Pedroche -

SALAMAT at nagbigay na ng katiyakan si COMELEC Chair Benjamin Abalos na tuloy na tuloy na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 9. Nag­karoon kasi ng mga espekulasyon na baka ito’y ma-postpone na naman o kaya’y tuluyang makansela.

Mayroon kasing mga mambabatas na diumano’y gustong kanselahin ang eleksyon. Kesyo malaki raw ang inaasahang budget deficit ng pamahalaan at malamang lumubha pa ang inflation kung gagastos na naman ang pamahalaan para sa isang eleksyon.

Tinawagan daw ni House Speaker Joe de Venecia si COMELEC chair Ben Abalos para sabihin ang “luma­laking” bilang ng mga mambabatas na gustong ipag­paliban, o tuluyang kanselahin ang eleksyon. Tanong ng barbero kong si Mang Gustin, “ano na naman kaya ang secret agenda ni JDV?” Aniya, malamang gusto ni JDV na magsulong uli ng people’s initiative  para matuloy na ang pinipithaya niyang charter change o cha-cha. Kung pulos kaalyado nga naman ang mga maluluklok na barangay officials, plus factor na ito para matupad ang kan­yang pangarap. Hindi ko sinasabing iyan nga ang  intensyon ni de Venecia. Ngunit hindi maiiwasang mag­duda ang taumbayan.

Kung walang eleksyon, holdover ang mga nanunung­kulan o kaya’y  ang Department of Interior and Local Govern­­ment  (DILG) na lang ang magnonombra ng mga bagong barangay officials. Puwedeng mangyari iyan kung aamyendahan ang batas. Posible ring magpalabas na lang ng executive order si Presidente Arroyo. Pero hindi maganda. Aalisan na naman ng karapatang mamili ng leader ang taumbayan.

Kung nonombrahan na lang ng administras­yon ang mga barangay officials, ma­lamang yung mga “machu­nurin” ang maita­talaga. Is­yung malaki! Okay lang gumastos basta’t ma­pa­panatiling ma­tatag ang demokrasya. Kung magbu­bunga man ito ng inflation,  it’s worth the little agony which can be over­come by a strong de­mocracy.  Sa­lamat naman sa as­surance ni Abalos na may naka­laan nang pon­do para sa elek­syong ito.

vuukle comment

BEN ABALOS

CHAIR BENJAMIN ABALOS

HOUSE SPEAKER JOE

MANG GUSTIN

PRESIDENTE ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with