Kumukupas ang PCSO dahil kay Magbuhos at Gonzales
KUNG ginagamit nina Charing Magbuhos at Eddie Gonzales na front ng kanilang jueteng operations sa Quezon ang small-town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), aba ganoon din pala si Mon Preza sa Laguna. Kaya kung patuloy ang operations nina Charing Magbuhos at Eddie Gonzales at Mon Preza, nangangahulugan lang mga suki na kumukupas na ang PCSO taliwas sa mga patalastas nila sa TV, diyaryo at radyo nga. Paano hindi kuku pas ang PCSO eh sa bulsa nina Magbuhos at Gonzales at Preza pumapasok ang mga kubransa at hindi sa kaban ng gobyerno. At habang patuloy na ginagamit nina Magbuhos, Gonzales at Preza na front ng kanilang jueteng operations ang STL ng PCSO, tiyak darating ang araw na mababankarote ang PCSO, di ba mga suki? May ilan pa kayang gambling lords ang gumagamit na ganitong sistema nina Magbuhos, Gonzales at Preza para maiwasan nila ang lingguhang intelihensiya? Marami pa tiyak, di ba mga suki? He-he-he! Dapat maagang magising si PCSO chairman Valencia bago maging huli ang lahat.
Kung sina Magbuhos at Gonzales ay nagkakakubransa ng P6 milyon kada araw sa STL nila kuno, si Preza naman ay P2.5 milyon daily. Kung sina Magbuhos at Gonzales ay P1 milyon lang ang dinideklara sa PCSO, si Preza naman ay P500,000 lang. O ’di ba maliwanag na malaki ang nawawala sa kaban ng bayan sa STL operations kuno nina Magbuhos, Gonzales at Preza? Hindi hamak na malaki ang binobola nila sa jueteng, President Arroyo, Ma’m. Baka sa su sunod na mga araw, pati si GMA ay kukupas na rin kapag hindi niya mapatigil ang modus-operandi ng mga gambling lords para mapaglalangan ang STL ng PCSO, di ba mga suki? Teka nga pala, ang sentro ng operations ng STL kuno o jueteng ni Mon Preza ay sa Biñan, San Pedro, Sta. Rosa, Calamba at sa Cabuyao. Kung si Gov. Nantes ay P3 milyon ang tinatanggap kina Magbuhos at Gonzales, si Laguna Gov. Ningning Lazaro naman ay inaabutan din ni Mon Preza ng P1.5 milyon, anang impormante natin. Kaya pala!
Pero kung sina Magbuhos at Gonzales ay mahal ng mga pulis at pulitiko sa Quezon, aba kabaligtaran naman si Preza sa Laguna. Kinamu muhian si Preza ng mga pulis at pulitiko bunga sa mukhang hindi ito magaling makisama. Kaya hindi ako magtataka kung ang prangkisa ng STL ni Preza sa Laguna ay makansela na kapag napaso ito. May balak kasi ang provincial government ng Laguna na magpasa ng batas na i-revoke ang STL franchise bunga sa kasakiman ni Preza. Kaya habang si Preza ay nanganganib na mawalan ng pagkakitaan, sina Magbuhos at Gonzales naman ay pasipul-sipol lang sa probinsiya ni Gov., Nantes. Ang mga pulis kasi at pulitiko sa Quezon ay masaya sa STL ng magsing-irog na sina Magbuhos at Gonzales, di ba mga suki? Abangan!
- Latest
- Trending