^

PSN Opinyon

Ate Vi at Bishop Arguelles, bow kami!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINAHIYA ni Governor Vilma Santos Recto ang grupo ni Don Pepot Alcantara, jueteng financer at Nora de Leon, jueteng management sa province of Batangas dahil ayaw pumayag ng ating bida na mabuksan ulit ang dayaan bolahan sa nasabing province. Sabi nga, totally close ang jueteng!

Ang bulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  tuwang-tuwa sa galak si Bishop Arguelles, ng mabalitaan na dehins pumayag ang gobernadora sa gusto ng mga demonyo. Bhe, buti nga!

Kung hindi ba naman mga kamote ang grupo ni Don Pepot Alcantara akalain mong ipagyabang nito sa madlang Batangueño na tumatanggap daw sa kanya ng P2.5 million si Ate Vi at ang mag-amang Eduardo at Edwin Ermita ay tig-P1 million every month.

Sino ang maniniwala sa pinagsasabi ni Don Pepot Alcantara at Nora de Leon, samantala isang commercial lang o pelikula ni Ate Vi million of pesos na ang puma­pasok sa bulsa nito. Ika nga, sa legal na paraan pa!

Kilala sa lipunan ang pamilyang Ermita pero gina­gas­gas ang pangalan ng mga ito ni Don Pepot mukhang pinu­pulitika ang mag-erpat.

Kambiyo isyu, ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na pinahahanap ako ni Allan Roxas, ang front ni Vic Yap sa jueteng sa Baguio City.

Natataranta ang grupo ni Roxas porke binubulabog ng husto ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman panay ang aray ng mga kamote sa ngayon.

Ayaw pa kasing magbigay ng basbas sina Governor Fongwan at Baguio City Mayor Peter Bautista sa mga tulisan este mali kapulisan pala na pahintuin ang jueteng operation sa Benguet- Baguio. Bakit kaya?

Mukhang hindi yata alam ni CAR Regional Director Raul Gonzales na talamak ang jueteng sa kanyang jurisdiction.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinag­kakalat pa na tumatanggap daw ng P2 million a month itong si Raul. Naku ha? Totoo kaya ito, Sir? Sir, pakibatukan mo nga ang mga kamoteng gumagasgas ng magandang name mo paretiro ka pa naman sa August 17 pero hindi maganda ang mga ikinakalat ng mga jueteng operator diyan.

Namamayagpag ngayon sina Raffy at Ador porke hindi raw silang kayang patigilin sa kanilang operasyon.

Tatlong beses ang bolahan sa Benguet-Baguio tuwing 12:00 ng tanghali, 5:00 ng hapon at 10:00 ng gabi.

Ang mag-among Aldie at Noriega sa Crame ang nagbigay ng go signal para magpatuloy ang operasyon ng dayaan bolahan sa nasabing province.

Malakas daw si Adlie kay PNP bossing Oscar Calderon at DILG Ronnie Puno kaya naman ang tuta nitong si Noriega ay nag-iikot sa mga probinsiya para iparating sa mga gustong magbangka sa jueteng na open season ngayon. Sabi nga, if the price is right!

Paretiro na rin si Calderon sa Oktubre 1,  bababa na ito sa kanyang kaharian at papalitan ng panibagong hari diyan sa Crame kaya naman ang grupo ng mag-among Aldie at Noriega ay nagmamadaling magkapitsa dahil gahol na sila sa oras. Ika nga, time is gold para sa mag-among Aldie at Noriega!

Ang mag-among Aldie at Noriega, ang nagbigay ng basbas para pasukin ng grupo ni Tony Ong, jueteng financer at Nora de Leon, management ang Region 2.

Tatlong beses din ang bolahan sa nasabing lugar.  Isang Sgt. Capascualan ang bagman ng grupo. Sabi nga, taga-ayos sa intelihensiya!

“Alam kaya ito ni Region 2 Director Chief Supt. Amateo Tolentino?”

Tanong ng kuwagong mangangabayo ng palaka.

“Ano kaya ang nangyari sa one strike policy ni Calderon tungkol sa illegal gambling?” tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

“Sagrado este mali sarado rin pala ang operasyon ng jueteng sa Nueva Ecija,” anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Next issue kamote pag-usapan ulit natin ito kapos ang kolum ng Chief Kuwago.”

Abangan!

vuukle comment

ALDIE

ATE VI

CRAME

DON PEPOT ALCANTARA

JUETENG

NORIEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with