Direktor ng CMEC, nakipagdiskusyon sa BITAG!
NABULABOG ang tanggapan ng Philippine Post Office partikular na si Post Master General Hector Villanueva nang mailathala ko dito sa aking kolum nitong Miyerkules ang tungkol sa isinagawang buy-bust operation ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) at BITAG.
Sa operasyong ito, nahulog sa BITAG ng mga operatiba ng PASG, National Bureau of Investigation (NBI) at BITAG ang isang grupong nagi-smuggled ng mga peke o counterfeited N95 Nokia Cellphones.
At ang ginamit na channel ng grupong ito para malayang makapasok sa ating bansa ang mga counterfeited N95 Nokia Cellphones mula sa
Dito, ibinunyag naming patuloy ang pamamayagpag ng mga dupang at dorobong kawani ng CMEC na kakutsaba ng mga negosyanteng nagpapasok ng mga produkto sa ating bansa nang walang binabayaran na anumang buwis o tax.
Agad nagpatawag ng board meeting si Post Master General Villanueva kung saan inatasan nito si Dir. Oscar Laso, ang head ng CMEC na liwanagin, sagutin ang isyu at tanggapin ang hinihinging interview ng BITAG.
Subalit kahapon, tinawagan namin ang tanggapan nitong si Dir. Laso para i-set ang appointment na on-cam-interview sa kanya ng BITAG, ang siste, sa telepono na lamang daw siya makikipag-usap at marami siyang ginagawa.
Hindi pa nga nasasabi ng BITAG ang aming pakay na paliwanagan siya sa operasyong isinagawa ng PASG at videos na nais naming ipakita sa sistema ng sindikato kung saan nakalusot ito gamit ang kanyang tanggapan, ang CMEC, naghuramentado na ang loko.
Nakipagsubukan, nakipagdiskusyon at putak ng putak na itong si Laso na animo’y puwet ng manok ang bunganga o parang babaeng nasa palengke na hindi maawat kapuputak.
Umiinit ang ulo ko dahil hindi man lang magawang pakinggan sumandali ni mokong ang nais kong liwanagin sa kanyang kukote. At maya-maya pa, ang sunod na ginawa nitong magaling na direktor ng CMEC, pinag bagsakan na lamang ng telepono ang BITAG.
Hindi na nito nakayanan ang maaanghang, diret- so at totoong sinasabi ng BITAG sa kanya kaya’t pinagbagsakan na lamang kami ng telepono. Tsk tsk tsk...tinatamaan na kasi siya.
Kabaligtaran naman ang ipinakitang kabaitan ng tanggapan ni Post Master General Villanueva ng amin itong sunod na tawagan. Mula sa sekretarya nitong malugod na tumanggap ng aming tawag dahil kasa lukuyang nasa luncheon meeting ang aming hinahanap.
Ayon sa aming kausap, hindi daw tino-tolerate ni Post Master General ang ganitong klase ng katiwalian at kapalpakan. Hindi daw nila hahayaan na madungisan ang buong pangalan ng kumpanya dahil damay-damay na ang reaksiyon sabi nga nila.
Ang kamalian daw ng isang departamentong nasa ilalim ng kanilang tanggapan ay kamalian na ng buong kumpanya. Kaya’t hinding-hindi daw sila makakapayag na hindi maaksiyunan ang isyung ito.
At ikaw naman Laso, lalagyan na kita ng siling labuyo sa bibig mo kapag hindi ka pa tumigil ng kapuputak at natutong makinig sa iyong kausap! Malamang ganyan din ang gawin sa iyo ni Post Master General kapag hindi ka pa natuto at nagbago...
- Latest
- Trending