^

PSN Opinyon

Niloko ng Intsik ang kanyang mga empleado

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

SI Mr. Lee ay may-ari ng mga sinehan sa isang siyudad sa Mindanao. Nang magpalabas ang gobyerno ng patakaran upang makakolekta ng mataas na buwis sa mga sinehan, gumawa ng hakbang si Mr. Lee bilang protesta. Pansamantala niyang isinara ang kanyang mga sinehan. Ipinaalam niya ang kanyang balak sa mga empleyado at nangako siyang kapag nagbukas muli ang sinehan, lahat sila’y ibabalik sa puwesto.

Pumayag ang mga empleyado at sila’y pumirma sa isang kasulatan sa harap mismo ng tanggapan ng Department of Labor, na kusa silang nagbibitiw sa trabaho at tinanggap nila lahat ang kanilang 13th month pay, overtime, living allowance at iba pang benepisyo. Pumirma rin sila sa mga resibo na tinanggap nila lahat ng bene­pisyo. Batay sa mga dokumentong ito, nagreport si Mr. Lee sa tanggapan ng Department of Labor tungkol sa pagtatapos ng mga serbisyo ng kanyang empleyado.

Pagkaraan ng tatlong buwan, nagbukas muli ang sinehan ni Mr. Lee. Ngunit hindi niya ibinalik ang mga empleyado. Kaya nagsampa ang mga empleyado ng illegal dismissal at humiling na sila’y ibalik sa trabaho pati na ang nakaraang suweldo nila mula nang sila’y tinanggal. Kinontra ito ni Mr. Lee. Aniya, kusa raw nagbitiw sa tra­baho ang mga empleyado at tinanggap nila lahat ang benepisyo. Pumirma pa nga sila sa harap ng opisyal ng labor. Tama ba si Mr. Lee?

MALI. Tama sana siya kung hindi siya nangako na ibabalik sa dating tungkulin ang mga empleyado kapag nagbukas muli ang sinehan. Hindi naman kaila na nag­bukas na muli ang sinehan. Kaya maaaring tutulan at kuwestiyunin ng mga empleyado ang pagkakatanggal sa kanila kahit pa tumanggap na sila ng lahat ng benepisyo. Ngunit hindi na sila babayaran pa ng mga nakaraang suweldo mula ng sila’y tanggalin. Di na ito makatwiran (King Seng vs. dela Cruz 165 SCRA 297).

DEPARTMENT OF LABOR

EMPLEYADO

KAYA

KING SENG

MR. LEE

NGUNIT

PUMIRMA

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with