^

PSN Opinyon

Talamak ang jueteng sa province ni Ate Vi!

- Bening Batuigas -

NADISMAYA ang sambayanan kabilang na si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz dahil hindi man lang binanggit ni President Arroyo ang proble­mang dulot ng jueteng sa kanyang SONA noong Lunes. kaya’t kumalat ang tsismis na ang paglipana ng jueteng sa bansa ngayon ay may basbas na ni GMA mismo. Kaya pala, hindi kumi­kilos laban sa jueteng sina Interior Sec. Ronaldo Puno at PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon sa mga bataan nilang sina Art Atayde at Atty. Joel Descallar o Atty. Baltazar, eh may mga tali ang kanilang mga kamay, ganu’n ba ’yon GMA Ma’m? Dapat buwagin na lang ni Cruz ang kanyang organization bunga sa wala nang saysay ang patuloy na operation nito dahil bulag, pipi at bingi na ang mga opisyales ng gobyerno, lalo na si President Arroyo, kung jueteng ang pag-uusapan.

At tiyak masaya sa ngayon ang grupo nina Puno at Calderon dahil si GMA mismo ay walang tutol sa patuloy na jueteng operations ni Leony Lim sa Sor­sogon. Pero sa tingin ko, mula nang magkasakit si First Gentleman Mike Arroyo,wala nang isyu na  puwedeng ibato kay GMA maliban sa jueteng, na malaganap na ang operation kahit saang sulok ng bansa sa ngayon. At ’yan ay bunga sa maanghang at mapanakot na dila nina Art Atayde at Atty. Descallar o Atty. Baltazar, di ba mga suki?

Teka nga pala, totoo ba na si Art Atayde rin ang financier ng jueteng sa probinsiya ni Batangas Gov. Vilma “Ate Vi” Santos Recto? Ito palang si Art Atayde ay malimit makitang kausap ang asawa ni Ate Vi na si Ralph Recto, ang talunang senador ng Team Unity (TU). Mukhang gustong bawiin ni Recto ang nagastos niya sa kampanya ng nakaraang election at itong jueteng ni Art Atayde ang naging paraan niya. Ayon sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD), magpinsan sina Recto at Art Atayde. Mga “dugong bughaw” ba sila? At ang management ni Art Atayde sa jueteng niya sa Batangas ay si Nora de Leon, na nagyayabang naman na malakas din siya kina Puno, Calderon at iba pang mga opisyales ng PNP natin, retirado man o aktibo sa serbisyo, he-he-he! Kung sa jueteng yumabong si dating Batangas Gov. Armand Sanchez, mukhang doon din patungo ang pumalit sa kanya na si Ate Vi nga. Mula sa pagka-artista, napunta sa pulitika si Ate Vi, at ngayon gambling lord na?

Kung sabagay, hindi lang ang jueteng ni Leony Lim sa Sorsogon ang bukas sa ngayon kundi sa marami pang lugar sa bansa. Sa Quezon province, ang may pa-jueteng doon ay ang magka-love team na sina Charing Magbuhos at dating pulis na si Eddie Gonzales, alyas Eddie Kabayo. Tulad nina Magbuhos at Gonzales, front din ng jueteng ni Mon Preza sa Laguna ang small-town lottery o STL. Sa probinsiya naman ni jueteng whistleblower na si Sandra Cam sa Camarines Norte ang nasa likod ng jueteng ay si Jess Lao, si Peping Daldan at Don Juan sa Zambales, Tony Ong sa Nueva Vizcaya at si Raffy Panagan sa Baguio City. At lahat ng jueteng operators na ito ay nakatimbre sa opisina ni CIDG director Dir. Edgardo Doromal sa pamamagitan ni Col. Joel Ordona sa Camp Crame. Abangan!

ARMAND SANCHEZ

ART

ART ATAYDE

ATE VI

BATANGAS GOV

JUETENG

LEONY LIM

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with