EDITORYAL — Bangis ng smugglers at Customs officials
WALANG binanggit si President Arroyo tungkol sa paglaban sa mababangis na smugglers at mga corrupt na opisyal ng Customs sa
Ang corruption sa Customs ay hindi na bago sa pandinig ng taumbayan. Basta narinig ang salitang Customs, iisa ang kikintal sa isipan: “corrupt”, “buwaya”, “matakaw” at “kurakot”.
Ang matindi ay ang sinabi ng pinuno ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na ang mga opisyal pa ng Customs ang nakikipagkutsaba sa mga smuggler para makapagpalusot ng kargamento na walang babayaran kahit isang sentimo. Kakahiya ang ganito sapagkat makikita nang talamak talaga ang corruption sa Customs.
Sinabi ng PASG na maraming napalusot na mamahaling sasakyan ang mga opisyal ng Customs. Sinabi ni PASG chief Antonio Villar, na-monitor umano ng kanyang mga agents ang 60 smuggled na mamahaling sasakyan. Ang mga sasakyan umano ay nagkakahalaga ng P300 milyon at idinaan sa port ng Manila, Cebu at Subic. Ang mga sasakyan ay kinabibilangan ng BMW, Ferrari at Mercedes Benzes. Sabi pa ni Villar, nakita ang mga sasakyang smuggled sa mga car dealerships sa Quezon City at Pasig.
Nagawang mailusot ang mga mamahaling sasakyan dahil sa pakikipagkutsaba sa mga corrupt na Customs officials. Sabi pa ng PASG, nang balikan nila ang mga sasakyan sa pinagdalhang dealer sa QC at Pasig, wala na ang mga ito.
Matagal nang natatalo ang gobyerno dahil sa mga matatakaw na opisyal ng Customs. At magpapatuloy pa ang kanilang katakawan dahil malambot ang batas laban sa kanila. Pawang banta lamang ang pagdurog sa mga corrupt sa Customs. Hindi uubra ang ganito sa matatakaw. Dapat sa kanila ay kamay na bakal.
- Latest
- Trending