Term sharing kina JDV at Garcia?

MAGBUBUKAS na ngayon ang 14th Congress at inaaba­ngan ng taumbayan ang State of the Nation Address ni Presidente Arroyo.

Kung maigting ang pagtutunggali nina Sen. Manuel Villar at Aquilino Pimentel Jr. sa presidency ng Senado, mas nanggagalaiti ang kumpetisyon nina House Speaker Jose de Venecia at Rep. Pablo Garcia sa speakership ng Kamara de Representante.

Parehong naniniwala ang dalawa na may malakas silang suporta ng kanilang kapwa mambabatas. Nagba­batuhan na nga ng masasakit na salita ang dalawang beteranong Kongresista at umentrada na si Presidente Arroyo upang payapain ang kanilang word war. Parehong kaalyado ni PGMA sina JDV at Garcia. Anang Pangulo, dapat mag-usap ang dalawang Solons at mahinahong resolbahin ang kanilang problema. Gusto ng Pangulo na walang gusot sa pagitan ng kanyang mga political allies para maganda ang kalabasan ng kanyang talumpati sa araw na ito upang ihudyat ang pagbubukas ng sesyon ng dalawang Kamara ng Kongreso.

Si JDV ang pinuno ng “rainbow coalition” na  Lakas-CMD na masugid na sumusuporta kay PGMA saman­talang si Garcia ay kasapi sa partidong binuo mismo ng Pangulo - ang Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI).  Kung ikaw ang Pangulo, wala kang itutulak o kakabigin. Solomonic wisdom ang kailangan but unfortunately, not any tom dick and harry has that kind of divine wisdom. Kaya nananatili na lamang na neutral si PGMA sa isyung iyan.

May nagpapanukala na magkasundo ang dalawang mambabatas sa term sharing like 18-buwan kay Pablo Garcia at 18 buwan kay de Venecia. Sounds logical pero sa tingin ko, parehong aaya­wan iyan nina JDV at Garcia. All or nothing is the name of the game.

Kung ang kampo ni Garcia ang masusunod, ganap na pagbabago sa liderato ng Kamara ang ibig nilang mangyari with Pablo Garcia at the helm of the ship. Sabi nga ni  Rep. Amado Bagatsing na masugid na supporter ni Garcia, papayag siya sa term sharing kung ito’y  “18 months para kay Pablo    at 18 months para kay Garcia.” That’s one way of stressing.

‘‘NO DEAL.”

Show comments