^

PSN Opinyon

Stroke at atake sa puso

- Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

MINSAN ay nagkakuwentuhan kami ng kaibigan kong si Dr. Joven Cuanang, President ng Stroke Society of the Philippines at marami akong mahahalagang impormasyon sa kanya na may kaugnayan sa “atake” — mapuso man (heart attacks) o sa utak (brain attacks o stroke).

Ang isang nagkakaroon ng heart attacks o ang tinata­wag na “myocardial infarctions” ay makararanas ng pagbigat sa kanyang dibdib na animo’y may nakadagan at ganoon din ang pagkirot. Maaaring magdulot ito ng kamatayan.

Ang stroke o “brain attacks” ay ang pagkamatay ng brain tissue dahil sa mahinang supply ng dugo at oxygen sa utak. Maaaring maparalysis, ma-disabled at mamatay ang isang na-stroke.

Ang stroke prevention ay isa sa mga pinag-usapan namin ni Dr. Cuanang. Malaki na raw ang iniunlad ng siyensiya kung paano maiiwasan ang stroke. Sabi ng aking kaibigan, isa sa mga gamot na nagre-reduced para maiwasan ang stroke ay ang paggamit ng gamot ng Perindopril (generic). Nabawasan daw ang pagkakaroon ng stroke ng mga pasyenteng may brain circulatory problems.

At ayon pa kay Dr. Cuanang, hindi lamang ang stroke ang nabawasan ang insidente kundi pati na rin ang     atake sa puso.

Ganoon pa man sinabi pa rin niya na ang pagdisiplina sa sarili o ang pag-iingat sa kalusugan ang mahalaga. Ipinapayo niya na tumigil sa paninigarilyo, magbawas ng timbang, iwasan ang matataba at maalat na pagkain, uminom nang katamtamang alak lamang at mag-exercise.

Tinanong ko kung mayroon nang Perindopril sa bansa. Sagot niya ay “oo”. Kumunsulta muna sa inyong doctor tungkol dito.

DR. CUANANG

DR. JOVEN CUANANG

GANOON

MAAARING

PERINDOPRIL

STROKE

STROKE SOCIETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with