^

PSN Opinyon

Abangan ang pizza maker

- Roy Señeres -

NAGULAT at natuwa ako sa napakaraming nagtanong tungkol sa aking invention na pizza maker na sinulat ko sa nakaraang column. Bagamat alam ko na business ang sadya ng mga nagtanong, inisip ko rin na marahil ang  tiwala ng mga tao sa aking gawain ang dahilan kung bakit marami ang naging interested. Dahil d’yan, ako ay nagpa­pasalamat sa mga nag-text at tumawag at pinapangako ko na ipaaalam ko sa lahat ng mga nagtanong kung handa nang ilabas ang franchise ng pizza maker.

Dahil napakaraming nagtanong sa aking inaalok na business, na-confirm ko na napakarami talagang mga kababayan natin ang naghahanap ng negosyo ngayon, kabilang na diyan ang mga OFW na nasa abroad ngayon. Gaya ng aking sinabi, ang dahilan kung bakit interested ang mga OFW ay naghahanap sila ng re-entry business sa kanilang pagbabalik. Tama ngang sabihin ‘yan, ngunit naisip ko rin na ang dahilan kung bakit marami ang interested ay dahil gusto nilang madagdagan ang kanilang kinikita, dahil hindi naman lahat ng mga OFW ay malaki ang suweldo.

Kaya ko rin naisip ang angulo ng tiwala ay dahil marami na rin yatang mga Pilipino ang naging biktima ng mga scam na negosyo raw ngunit kinukuha lang ang pera nila, sa halip na pagyamanin sila. Sana man lang, magkaroon ang gobyerno ng system kung saan ang mga scammers ay matutuklasan at mahuhuli habang maaga, at hindi na hihintayin na dumami pa ang kanilang mga biktima, katulad nitong bagong scam ng Swiss Francs kuno.

Marami ang nagtanong kung papaano raw ang business ng pizza machine. Simple lang ang business na ito, parang katulad lang ng burger machine, kaya lang pizza ang produkto. Puwede ito kahit saan basta may kuryente, dahil may electric oven ito. Mas maganda kung mas maraming tao ang pu-westo, at hindi kailangan  na class ang lugar, dahil mura lang ang benta at para nga ito sa masa. Sa mga interested, mag-text   lang sa 09196466323.

* * *

Makinig sa “USAPANG OFW” sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa royseneres@ yahoo.com, text 0918­790­3513, dumalaw sa www. royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515 at bumisita rin kayo sa Our Father’s Coffee.

BAGAMAT

DAHIL

KUNG

LANG

OUR FATHER

SWISS FRANCS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with