^

PSN Opinyon

Opisyal ng unyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NOONG 1986, ang mga guro at empleyado ng Catholic School (CCS) ay nag-organisa ng isang unyon (CCSEU) upang makabuo ng isang Collective Bargaining Agreement (CBA). Ayon sa Section 2 ng Article 10 ng kanilang CBA, “ang isang empleyado ay maaring maretiro sa      CCS kung ito ay mag-aaplay o  umabot na sa ika-60 taong gulang o kaya ay may 20 taong serbisyo sa CCS kung saan walang patid ang huling tatlong taon nito, batay sa magiging desisyon ng Director ng CCS.

Samantala. mula nang mahirang ang bagong School Director ng CCS noong April 1987 hindi na naging aktibo ang union hanggang September 1993 nang mahalal ang grupo ng agresibo, militante at indipendyenteng mga opisyal ng unyon, kaiba sa dating tahimik na mga opisyal. Dalawa sa mga ito, sina Rosa na naging presidente, at si Pacita, bilang bise-presidente.  Sina Rosa at Pacita  ang naging sentro ng kontrobersIya sa pagitan ng kanilang unyon at ng CCS. Kaya isang buwan pa lamang ng kani­lang pag-upo sa puwesto ay pinagretiro na sila ng CCS dahil umabot na ang kanilang serbisyo ng 20 taon, kahit na wala pa sila sa retiradong edad na 60.

Ang aksyong ito ng CCS ay nagdulot ng pagwewelga ng mga miyembro ng unyon at piket sa pasukan ng CCS. Iginiit ng union na ang naging desisyon ng CCS na iretiro sina Rosa at Pacita ay maituturing na isang unfair labor practice dahil isa itong pagkukunwari upang buwagin ang kanilang unyon. Tama ba ang unyon?

MALI. Ayon sa Article 287 ng Labor Code, maaaring maretiro ang isang empleyado kapag umabot na ito sa retiradong edad batay sa nakasaad sa CBA o sa anumang kontrata ng empleyo. Sa kasong ito, nabanggit sa CBA ng CCS at ng CCSEU na maaaring iretiro ng CCS ang empleyado nito kapag umabot na ang serbisyo nito sa 20 taon o kaya ay umabot na sa edad na 60. Malinaw na pinapayagan ng CBA ang naging hakbang ng CCS kina Rosa at Pacita. Sa katunayan, ang pagtanggap ng unyon sa CBA ay isang pagkilala sa ipinag-uutos nito at sa pagsunod sa kanilang limitasyon pabor sa CCS.

Ang paggamit ng CCS ng opsyon na iretiro sina Rosa at Pacita ay walang bahid ng kahinaan dahil ang 20 taong serbisyo ay higit pa sa huwarang haba ng serbisyo na maibibigay ng isang empleyado sa kanyang amo. Bukod dito, hindi maaaring ipagbawal sa CCS ang paggamit sa karapatang ibinigay ng CBA rito na iretiro sina Rosa at Pacita, anuman ang naging ugnayan nito sa gawain ng unyon. Kaya, ang naisagawang welga at piket ng unyon ay ilegal (Cainta Catholic School, et.al. vs. Cainta Catholic School Employees Union G.R. 151021, May 4, 2006).

AYON

CAINTA CATHOLIC SCHOOL

CAINTA CATHOLIC SCHOOL EMPLOYEES UNION G

CCS

ISANG

PACITA

UNYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with