Sakro-ro!
PINUNA ng PHILIPPINE STAR editoryal ang mabagal na takbo ng imbestigasyon ng paglubog ng RO-RO ferry MV Blue Water Princess sa Quezon. Mahigit 11 katao ang namatay dito. Maski si Gng. Arroyo ay nagalit kung bakit dalawang linggo na’y hindi pa rin nauumpisahan ang hearing ng Board of Marine Inquiry.
Alam naman natin ang magiging resulta. Sa dami ng aksidente nang nangyari sa ating karagatan, hindi nagbabago ang sanhi nito: Overloading, improper stowage ng Cargo, hindi kwalipikadong crew, non seaworthy vessels, sailing in foul weather.
Ang programa ng RO-RO na nagbibigay buhay sa tinatawag na ‘‘Nautical Highway’’ ng Pilipinas ay isa sa starting line-up ng mga accomplishment ng administrasyon. Talagang nang-engganyo ang Malacañang na subukan ito. Ang laki ng mukha ni Gng. Arroyo sa mga poster at ang suwabe ng boses nito sa TV spot. Wala pa ring mas mura at maginhawang paraan upang pagkabit-kabitin ang ating 7,100 islands kaysa mga bangka, ferry at barko. Kaya napakahalagang panatilihin ang tiwala at kumpiyansa ng pasahero.
Subalit sino ang bibili ng tiket kung ‘‘one-way’’ lang pala ito sa kabilang buhay? Yun nga ang problema. Dito sa atin, may choice ka ba? Dahil wala namang alternatibo, patuloy pa ring tinatangkilik ng Pilipino ang mga sasakyang dagat na may masamang rekord ng kaligtasan. Bilang isang Archipelago, dapat ay nauuna tayo at hindi nakukulelat sa safety ratings. Ang kabagalan ng imbestigasyon ng Blue Water Princess ay sintomas lang ng mas malaking problema — ang kabagalan ng repor ma sa napakahalagang industriyang ito.
Kung hindi rin mapangatawanan ng gobyerno ang ka ligtasan ng pasahero, mag-isip na sila ng sistema ng mga bagong tulay na tulad ng San Juanico Bridge o padamihin ang mga eroplanong nagseserbisyo sa domestic travel, kasama na ang paglatag ng bagong mga airport at iskruk turang kailangan. At sa mga pribadong kumpanya na tumatabo ng husto sa ticket sales, sana’y palawigin ninyo ang self-regulation. Kayo na ang magdisiplina sa sarili niyong mga ranggo. Pangunahan na sana ng mga higanteng shipping company tulad ng Aboitiz at Sulpicio.
Kay rami nang Pilipinong nagbuwis ng buhay. Obligasyon nating lahat na pagandahin ang takbo ng industriyang maritima.
- Latest
- Trending