Ang ka-juetengan, paging Governors
MATINDI ang jueteng operation sa
Kung kukuwentahin sa loob ng 31-araw o isang buwan, aabot ang jueteng kubransa sa P66 million kada buwan. Siyempre hindi pa kasama ang intelihensiya sa mga bugok na police na umaasa sa kanilang pambaon kapag nag-tired na sila.
Tama ba, Col. Aldie, ang bagman na tulis este mali foolish cop pala dyan sa Camp Crame.
Bangka pala ni Aldie, si Vic Yap, ang jueteng king sa Benguet - Baguio kaya naman panay ang salag ni Noriega sa mga kuwago ng ORA MISMO, na huwag pangalanan ang kanyang among si Aldie.
Ang grupo ni Aldie, ang may kasalanan kung bakit nasibak o natanggal sa puesto si General Padilla sa Bicol porke ayaw nitong pumayag na pumasok ang dala nilang bangka sa nasabing lugar.
Sabi nga, itigil ang jueteng!
Sa Benguet - Baguio, tahimik ang mga politiko todits ang hindi lang alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay kung may basbas dito sina Governor Fongwan at Mayor Peter Bautista dahil patuloy na namamayagpag ang bangka ni Aldie sa nasabing probinsiya.
Totoo kaya ito Gov. at Mayor? Aba gasgas na gasgas ang name ninyo sa mga kamote.
Ang masama pinagyayabang ng isang Raffy, jueteng lord na front ni Yap sa Baguio sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumpare daw nito si Pedro este mali Peter pala kaya tuloy ang kanilang kubransa ?
Mukhang tahimik ang mga burongoy sa isyu ng jueteng dyan sa Benguet - Baguio.
Sabi nga, magkano!
Kasosyo pa ni Raffy ang isang Ador banlaw pantalon sa pa-jueteng nito. Kasama nga pala ni Vic Yap, ang mga anak ni Gusting na sina Allan at Tito sa kampanyang dayaan bolahan.
Sobra sa kayabangan ang tandem ng magkasosyong ito. Kasi, kung ipinagmamalaki ni Raffy na kumpare niya si Mayor Bautista, ito namang si Ador banlaw pantalon ay ibinibidang sanggang-dikit niya si Supt. Moises Guevarra, Baguio City police chief; at Chief Supt. Raul Gonzales.
Totoo kaya ito, mga Sir?
Paimbestigahan ninyo ang mga kamoteng ito at baka kayo ang maimbestigahan ng Kongreso sa susunod na mga days.
Si Gonzales nga pala ay malapit ng magretiro sa August 17 at si Chief Supt. Eugene Martin, ang papalit sa kanya porke siya ang itinutulak na uupo sa nasabing lugar.
Sana General Martin patinuin ninyo ang mga gumagamit sa pangalan ng mga bida nating official ng government.
Pinagkakalat pa ng mga kamote na kasangga daw nila sina Gen. Edgardo Doromal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); PNP bossing Oscar Calderon at DILG Sec. Ronnie Puno?
Naku lalo kayong lagot ! Dami pa ninyong dinamay na official.
Ang bolahan ng jueteng ni Vic Yap ay tatlong beses ginagawa sa isang araw. Nangyayari ito tuwing alas-12:00 ng tanghali, alas-5:00 ng hapon at alas-10:00 ng gabi.
Sa susunod ang mga location ng dayaan bolahan!
ANONG klaseng relasyon mayroon kaya sina Zambales Governor Amor Doloso at ang mga gambling lord na sina Don Juan at Peping Daldal?
Sabi nga, just asking !
Sabi kasi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, madalas daw makitang magkasama ang trio.
Totoo kaya ito ?
“Dapat aksyunan ng mga nabanggit na pangalan ng mga taga - gobierno ang mga kagaguhan ng gambling lords sa kani-kanilang province” anang kuwagong maglalako ng sweeptakes,
“Mga name dropper ang mga kamote at naniniwala ang Chief Kuwago na ginagamit lamang ang pangalan ng mga bida natin sa itaas para walang sumaling sa kanilang illegal operation” anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Kamote abangan natin ang resulta ng kanilang gagawing imbestigasyon at kung saan lugar magsasara ang jueteng kung totoong may kinalaman ang mga bida natin”
Wait and see!
- Latest
- Trending