“FOR there is nothing you can do when Congress exercises its power to be powerless.” Tumindig si Chief Justice Reynato Puno at idineklara sa bansa na kung ang mga halal na opisyal ng pamahalaan ay hindi kikilos laban sa patuloy na abuso sa Human Rights, ang Korte Suprema ay handang pangunahan ang laban, gamit ang kapangyarihang ginawad ng Konstitusyon.
Sa Summit on Extra-Judicial Killings and Forced Disappearances, pinahiwatig ni CJ Puno ang kanyang pagkadismaya sa kahinaan ng ating mga kalayaan, kakulangan ng mga batas at pagka-inutil ng ating sistema ng hustisya. 863 na ang napatay ayon sa rekord ng KARAPATAN.
Walang nagagawa ang mga halal na opisyal dahil mas mahalaga sa kanila ang popular at “high-profile” na isyu kaysa “low-profile” na kaso ng human rights na kadalasa’y puro mahihirap at di-kilalang tao ang biktima. Tama ang obserbasyon na maski ang taumbayan ay hindi na tinatablan kahit dumadami ang biktima at sa kabila ng atensyon dito ng media.
Aabangan ng bansa ang mga rekomendasyong makakalap sa Summit kung paano magagampanan ng Korte ang papel na ito. Sa panahon ngayon kung kailan terrorized ang tao sa Anti-Terror Law, malaki ang ginhawa ng ganitong inisyatibo. -31% ang dissatisfaction rate ni Gng. Arroyo. Walang tiwala ang tao kay Gng. Arroyo na mapapatigil nito ang karahasan. Hindi ba nga sa ilalim ng kanyang pamunuan lumala ng husto ang problema?
Ang gobyerno ay may tatlong sangay, Executive, Legislative at Judicial, upang hindi maipon ang kapang yarihan sa kamay ng iisa. Posible din namang abusuhin ng mga Hukom ang sasaklawin nilang trabaho ng Pangulo at ng Mambabatas. Subalit hindi natin maririnig ang ganyang pagdudu-da kay CJ Puno. Mataas ang kredibilidad nito kahit walang pinanghahawakang mando. Siya na ang pinakarespeto — sa paninindigan at talino. Subok ang record at mapagkakatiwalaan. Umaasa ang REPORT CARD na maganda ang ibubunga ng itinanim ng Pu nong ito.
CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO
GRADE: 96