^

PSN Opinyon

Garcia lumalakas, JDV atras sa secret balloting

- Al G. Pedroche -

NANINIWALA si Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na lalong lumalakas ang speakership bid ng kanyang manok na si Cebu Rep. Pablo Garcia habang papalapit ang opening ng 14th Congress sa Hulyo 23.

Ayon kay Villafuerte, marami ang naasar kay Speaker Joe de Venecia nang magpalabas ng anunsyo sa diyaryo na nagsasabing 177 mambabatas ang sumusuporta sa kanya gayung ang mga lagda ng mga ito ay hindi naman para sa kanyang hirit sa speakership kundi sa 12-point economic agenda ni Presidente Arroyo. Isa pang ikina-iirita ng mga mambabatas ay ang mga pangakong “napapako” ni JDV kagaya ng committee chairmanshipsa tatlong Kongresista at pagtangging magsulong ng reporma sa budgetary allocation sa Kamara. Ang mga repormang ito’y ipinapangakong isusulong naman ni Garcia. Kaya di kataka-takang lumalakas si Garcia.

Mistulang umatras din si JDV sa hamong daanin sa secret balloting ang pagpili ng bagong leader ng Kamara de Representante. Tanong ng barbero kong si Mang Gustin, “takot  ba si JDV na lumabas ang totoo na marami ang sumusuporta sa kanyang katunggali sa speakership na si Garcia?’’ Ang gusto kasi kuno ni JDV ay idaos ang secret balloting nung Sabado na hindi praktikal porke karamihan sa mga mambabatas ay out of town.

Kahit si Garcia ay naniniwala na ang phobia ni JDV sa secret balloting ay patunay na hindi totoo ang mga ipinalabas na advertisement ng huli na umano’y suportado siya ng mayorya ng mga kongresista.

Si Garcia ay kapar­ ti-do ni Pangulong Arroyo sa Kabalikat ng Ma­la­yang Pilipino (Kampi). Sa ka­bila niyan, nag­paha­yag ang Pangulo na kung pagpili ng speaker ang isyu, hindi siya makiki­a­lam. Si­yem­pre, proble­ma ng mga mamba­batas iyan.

Kinuwestyon ni Gar­cia ang sinseridad ng na­unang pagpayag ni De Venecia na magka­roon ng secret balloting kung ito’y gagawin sa July 14.

“Before eating his words for not having the numbers, De Venecia said Thursday that he is agreeing to secret balloting but only if it is held on or before this coming Saturday. That was just his runabout way of saying ‘no’ to secret balloting,” aniya.

Oo nga naman. Alam ni De Venecia na impo­sibleng makapunta sa Maynila ang karamihan ng mga kongresista sa July 14 para sa secret balloting.  Karamihan sa mga Kongresista ay nasa labas ng bansa o mga lalawigan at next to impossible na ipatawag sila nung nakaraang Sabado para sa secret balloting. Ano ba iyan?!

BALLOTING

CAMARINES SUR REP

DE VENECIA

GARCIA

SECRET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with