^

PSN Opinyon

Vic Yap, jueteng King ng Baguio

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGDADALAMHATI ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkamatay ng 14 Philippine Marines Soldiers sa Basilan matapos ang umaatikabong palakpakan este mali bakbakan pala.

Sabi nga, sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

Grabe as in grabe, ang ginawa sa 10 Marines matapos silang mapatay ay binastos pa ng mga kamote ang pagkatao ng mga bida dahil pinutol ng mga gago ang mga pututoy nito samantala ang iba ay tsinap-tsap.

Hindi ito gawain ng matinong tao.

Sabi nga, mga baliw sila!

Matagal na itong ginagawa ng mga hunghang hindi na ito bago sa mga kamote.

Sabi nga, ilang dekada na nila itong ginagawa ang mamutol ng ulo at pututoy sa mga napapatay nilang magigiting na soldiers ng AFP.

Tuwang-tuwa sila sa galak kapag nakakagawa sila ng ganitong klaseng krimen.

Hayok sa laman ang mga gumawa nito sa ating mga sundalo kaya naman galit na galit ang mga comrades ng mga napatay.

Ika nga, dapat silang gantihan!

Hindi ba ang MILF at MNLF ay para ring private armies?

Bakit sila nakakapagdala ng matataas at makabagong sandata?

Ano ang masasabi dito ng PNP-FEO at AFP?

May license ba ang kanilang baril galing sa PNP-FEO? Bakit sila nakakapagdala ng baril sa kanilang lugar?

Bakit?

Special people ba ang MNLF at MILF?

Sana kalkalin ni Senator Antonio Trillanes III,  ang isyung ito at isama na rin sa kanyang pagtataray ang pupugak-pugak na sandata ng AFP habang nakikipag-giyera sila sa isang liblib na place sa kamindanawan.

Sino kayang official ng AFP ang nakakumisyon sa mga balang palpak?

Dapat sila ang i-bala sa kanyon. Walang mga kaluluwa ang mga kamoteng ito!

Sabi nga, comedy ang nangyari kaya ang mga kalaban ng Armed Forces of the Philippines ay sumasakit ang tiyan sa katatawa dahil sa pupugak-pugak na gamit nilang pang-giyera.

Ika nga, only in the Philippines my Philippines !

Sana hindi mapulitika ang gagawing  imbestigasyon ni Trillanes para matulungan niya ang mga pamilya ng mga namatay na Marines.

Kambiyo isyu, tuluy-tuloy ang jueteng sa Baguio City dahil itinaas ni Vic Yap ang intelihensiya ng mga bugok na katulisan este mali kapulisan pala para huwag maputol o mahinto ang kanilang tatlong beses isang araw na bola sa dayaan bolahan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hanggang tumatanggap ng grasya ang bugok na LGU’s kasama siyempre rito ang mga burongoy, rakpadudels et cetera ay hindi sila mapapatigil sa kanilang operasyon.

P3 million a week pala ang parating ni Vic Yap sa mga foolish cops kasama ang kanilang mga gagong taga-gobyerno sa Benguet-Baguio.

Totoo kaya ito CAR Regional Director Raul Gonzales, Sir? Pakibusisi nga.

Paging Governor Fongwan at Baguio Mayor Peter Bautista, wake up, Your Honors !

Dapat busisiin ng mga personalities sa itaas ang jueteng operation ni Vic Yap kawawa  ang mga ma-e-erap dahil umaasa silang mananalo sa dayaan bolahan.

May montehan pa pala sa may Bato St., mga boys!

Mga anak ni Gusting ang aso ni Vic na sina Tito at Allan ang hila-hila nito para hindi siya makilala bilang bagong bangka ng jueteng sa nasabing province.

Sina Ador banlawan, Raffy pangsagwan, burongoy kupitan at Mando ang naka-front bilang mga operator ni Yap-py.  He-he-he !

Para sa kaalaman ng DILG, NBI, CIDG, ISAFP, NICA, Philippine Navy, Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Marines, Boy Scout of the Philippines, Girls Scout at mga alipores ni Bishop Oscar Cruz  et cetera ito ang lugar ng dayaan bolahan sa quarry, Mabini, Mt. View, Anger 1 at sa military cut-off.

Ang management todits ay sina Jon, Donny, William at Tony.

“Kailan kaya titigil ang jueteng operation sa Baguio?” tanong ng kuwagong mananaya ng sakla.

“Hindi sila titigil dahil sa laki ng intelihensiya,” sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

“Tatlong beses ang bolahan ng jueteng sa umaga: 11:30 am, 5:30 pm at  10:30 ng gabi” anang kuwagong talunan sa Jai-Alai.

“Kaya pala ang laki ng kubransa nila sa mga mananaya rito.”

“Matitigil iyan tingnan mo“ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

“Paano ?”

“Pagsasalitain natin ang mga kongresista dito,” sagot ng kuwagong Kotong cop.

“Kamote, ‘yan ang maganda”

Abangan mo lagapot!

vuukle comment

SABI

SILA

VIC YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with