^

PSN Opinyon

Among Ed sa 2010? “Bahala na ang Diyos.”

- Al G. Pedroche -

Iyan ang sagot sa akin ni Pampanga Governor “Among ED” Panlilio nang tanungin ko kung ikukonsidera niyang tumakbo sa pagka-presidente ng bansa sa 2010.

Panauhing pandangal namin si Among sa forum ng Capampangan in Media (CAMI) kahapon sa Annabelle’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Dumalo rin sa media forum si Cong. Willie Villarama ng Buhay Party-list group at ang kanyang magandang kabiyak na si Tess. Kabilang sila sa avid supporters ni Among Ed. Like me, naniniwala sila na panahon na upang magkaroon tayo ng leader na may takot at pagtalima sa Diyos.

Kamakailan, naisulat ko sa kolum na ito ang isang milyong pisong arawang revenue mula sa quarry operations sa Pampanga sa ilalim ng pamamahala ng bagong gobernador. A far cry from the P1 million monthly revenue  ng nakaraang administrasyon sa Pampanga.

Maliit na bahagi lang ng governance ng priest-turned-governor ang dambuhalang improvement sa kita ng quarrying operations pero pinatutunayan ang pagkakaiba ng isang tao ng Diyos sa tradisyunal na politiko sa pagpapatakbo ng gobyerno. Pruweba rin ito ng katapatan sa pamamahala ng isang taong lingkod ng Diyos. Expect more awesome things to happen in Pampanga!

Bago sabihin ni Among Ed na “bahala na ang Diyos” binigyang diin niya na ang kanyang pagtakbo bilang gobernador ay bunga lamang ng pangangailangan ng lalawigan na mareporma. Pagkatapos ng kanyang misyon, ang intensyon daw niya ay bumalik sa pagka-pari na siyang tunay niyang bokasyon.

Pero papaano kung mapatunayan niya ang kanyang kalibre sa pamamahala sa Pampanga at hingin ng sambayanang Pili­pinas ang kanyang li­de­rato bilang Pa­ngulo, ang tugon niya’y “Ba­hala na ang Diyos.”

Kontrobersyal ang pagiging gobernador ni Among. Dahil diya’y na­suspinde siya sa pagka-pari pero nani­nindigan siya sa kan­yang mis­ yong pama­ha­laan ang Pam­panga at sugpuin ang mga katiwalian lalo na ang jueteng.

Magiging test case ang Pampanga at kapag nagtagumpay siya sa bawat himay­may ng kan­yang mis­yon, makatata­wag ito ng pansin sa lahat ng mamamayan ng Pili­pinas who are already clamoring for genuine reform in the go­ver­nance of the nation. That being so, hindi malayong taum­bayan ang mananawa­gan na siya’y tumakbo sa pag­ka-pangulo ng bansa.

AMONG ED

BUHAY PARTY

DIYOS

PAMPANGA

PAMPANGA GOVERNOR

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with