^

PSN Opinyon

Ignoranteng traffic police ng Mandaluyong,hulog sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KABOBOHAN at katangahan, eto ang ipinamalas ng isang traffic police sa Shaw Blvd., na naniket ng isang konduktor ng bus dahil sa violation ng driver.

Nalilitong lumapit sa BITAG Action Center ang kon­duktor ng bus na si Alejandro Abesamis. Hinuli at tinekitan daw siya ni SPO2 Ricky Guttierez habang sila’y nama­masada, ang violation, No Loading and Unloading Zone.

Noong una raw, hinanap ng magaling na si Guttierez ang lisensiya ng kanyang drayber para ito ang tiketan subalit nang wala daw itong naipakitang driver’s license, sapilitang kinuha ang conductor’s license ni Abesamis.

Kaya’t sa huli, ang pobreng kunduktor ang may violation at pinatutubos pa ito sa kanya ni Guttierez sa Mandaluyong sa halagang P1, 200.00.

Gustuhin man niyang pumalag at makipagdiskusyon sa traffic enforcer na si Guttierez, kamot ulo na lang daw niyang binigay ang kanyang conductor’s license.

Sa umpisa, natatawa at napapailing na lamang ang BITAG sa kasong inilapit ng kunduktor na si Abesamis. Ang kadalasan kasing reklamong nailalapit sa amin ay pangongotong ng mga traffic enforcers sa lansangan sa mga motorista.

Pero sa kasong ito, kabobohan at katangahan ng isang traffic police ang inilapit sa BITAG.

Kaya noong Hulyo 5, pinuntahan ng BITAG strike force ang magaling na si Guttierez sa kanyang duty, kasama si Butch Javier, Head ng Traffic Engineering Division (TED) upang kumprontahin ito.

Ang siste, sa oras ng komprontasyon, pilit lumulusot sa kanyang katangahan ang inirereklamong traffic police. Katwiran nito, ganoon din daw ang ginagawa ng kanyang mga kasamahang traffic police at enforcers          sa Mandaluyong, tinitiketan din ang konduktor.

Tsk tsk tsk…nandamay pa ang loko, ibig yata niyang sabihing, tanga rin ang kanyang mga kasamahan!

Ayon kay Gen. Reynaldo Beroya, Assistant Secretary ng Land Transportation Office (LTO), “ignorance of the law” daw ang naging problema kay SPO2 Gut­tierez. Dahil ang violation lamang ng isang konduktor para ito ay matiketan ay overloading.

Kasalukuyan daw na inilalaban nga­yon ng LTO ang “one ticketing system law” para maiwasan ang kalituhan sa mga motorista, at isama na rin natin ang mga nanghuhuling Traffic Police at Enforcers.

Panoorin bukas ng alas-9 sa BITAG ang mga kakaiba at nakaka­tawang eksenang naidokumento ng BITAG sa inirereklamong si SPO2 Guttierez.

Alamin ang mga impormasyon mula sa LTO para makaiwas sa bitag ng katangahan at kamangmangan.

ABESAMIS

ACTION CENTER

ALEJANDRO ABESAMIS

GUTTIEREZ

TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with