^

PSN Opinyon

Ang tunay na serbisyo publiko ng BITAG

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

INIHAHANDA na ng BITAG ang aming patibong para sa isang nationwide operation sa buong kapuluan ng Pilipi­nas. Mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao, ikakasa na ang patibong ng BITAG.

Marami na kaming natatanggap na reklamo, tips at sumbong sa texts, e-mails at tawag sa telepono, mga im­por­masyon ng katiwalian, pang-aabuso, panloloko o panggagantso.

Karamihan sa mga ito ay mula pa sa mga probinsiyang Bacolod, Iloilo, Davao, Cagayan at marami pang iba na nanggaling pa sa malalayong rehiyon.

Ang operasyong ito ay bunsod ng pagpapalawak ng serbisyo publiko ng BITAG. Kasalukuyan kaming nasa proseso ng innovation kung saan, bagong makatoto­hanang estilo ng serbisyo publiko ang ikakasa ng BITAG.

Mula noon hanggang ngayon, ang tunay na serbisyo publiko ng BITAG ay may tanging layunin — ang maka­tulong. Sa maliit o malaki mang paraan, ginagawa ng BITAG na mabigyan ng katugunan ang mga problema, sumbong at tips na ipinagkakatiwala sa amin.

At sa BITAG, “hindi kami namimili ng mga biktimang nagsusumbong”. Mahirap man, mayaman, bata, matan­da, lalaki, babae o mapa-3rd sex man, basta’t biktima ng katiwalian, panloloko at panggagantso, nakahandang tumulong ang BITAG SA ABOT NG AMING MAKAKAYA.

Maliit o malaki mang personalidad at establisyimento, oras na inireklamo dahil sa kasamaan ng aktibidades, walang sinasanto ang patibong ng BITAG. At sa tulong ng batas at mga operatiba ng kapulisan, natutuldukan namin ang kanilang kalokohan.

Nais lang klaruhin ng BITAG sa kolum na ‘to, LIBRE AT WALANG BAYAD ANG AMING SERBISYO PUBLIKO. Walang sinuman sa grupo ng BITAG ang naniningil ng bayad para sa aming public service. Kung sa ibang giant sta­tions o mga progra­­mang itinatapat sa BITAG, itinuturing ang Public Service na     par-te ng kanilang News, Public or Current Affairs, hindi namin estilong ma­kipag­sabayan.

Sa BITAG, parte na ng aming buhay ang ganitong trabaho.

Muli naming inaanya­ya­­han ang mga mama­ma­ yan, concerned citizens at tipster na makipag-ug­nayan sa BITAG sa mga impormas­yong nais ipa­rating sa amin. Nasa baba ng kolum na ito ang aming mga numero sa telepono, texts at e-mail address.

AMING

BITAG

CURRENT AFFAIRS

MULA LUZON

PUBLIC SERVICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with