^

PSN Opinyon

Sentensiyado na, pinalalaya pa

SAPOL - Jarius Bondoc -

MALUNGKOT ang Philippine Drug Enforcement Agen­ cy. Pinalalaya ng Court of Appeals ang pitong Chi-   nese drug lords na sinentensiyahan nu’ng 2003 ng lower court ng habambuhay na pagkakulong. At ang CA decision ay base lang sa teknikalidad

Ilang kilong shabu at sangkap ang nahuli sa pitong Chinese sa drug lab sa Addition Hills, San Juan, Metro Manila, nu’ng Jan. 18, 2002. Ni-raid sila ng PNP Nar­ cotics Group na may search warrant mula sa Pasig court. Dalawang barangay officials ang nag-witness sa pag-imbentaryo ng ebidensiya habang pina-pacify ang nanlalabang pito sa isang kuwarto. Malinis ang su-munod  na prosecution; mabilis ang paglilitis.

Pero mali ang lahat, ani nina Justices Jose Sabio Jr., Jose Reyes Jr. at Myrna Vidal ng CA 10th Division. Anila nilabag ng pulis ang Saligang Batas nang mag-imben­ taryo sila nang hindi nakaharap ang may-ari o okupante ng bahay na ni-raid. Miski daw sa ngayon sa Rules of Court ang pagkuha ng dalawang barangay officials bilang witness, dapat daw ay ihinarap pa rin ang pitong drug lords. Dahil hindi ito nangyari, anila, dapat lang palayain ang pito, matapos magnilay-nilay ang korte tungkol sa dami ng drogang nakuha sa kanila.

Hindi lang ngayon nangyari ang ganito. Nu’ng 2006 binaliktad ng CA ang pagsentensiya nu’ng Marso 2004 sa apat na Chinese drug lords na nahuli sa raid sa Pasig shabu lab nu’ng Nov. 2001. Tulad ng sa San Juan, ni hindi inabisuhan ng CA ang police officer na namuno sa dalawang raids: si Sr. Supt. Federico Laciste. Naulit pa ito sa kaso ni Michael Uy, drug lord na malakas sa mga politiko na nahuli nu’ng Abril 2002 at sinentensiyahan nu’ng 2006. Binaliktad ng CA ang conviction, at ni hindi sinabihan si Laciste o mga tauhan niya.

Dati-rati binabatikos ang pulis sa pagnanakaw at pagbebenta ng ebidensiyang shabu. Pinupuntirya ang prosecutors na pumapalpak sa kaso, at judges na nagpapa-bail sa no-bail drug indictees. Ngayon naka­kalaya na ang drug convicts sa utos ng CA.

ADDITION HILLS

COURT OF APPEALS

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGEN

FEDERICO LACISTE

JOSE REYES JR.

JUSTICES JOSE SABIO JR.

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with