Religious co-existence
MALUNGKOT akong pumunta sa punerarya noong isang linggo, kung saan nakaburol si Auntie Mercy, ang pinsang buo ng aking ama na si Federico. Katulad ng aking yumaong uncle na si Tatay Badong, si Auntie Mercy ay isang tapat na miyembro ng Iglesia ni Cristo, sa katunayan ay nakatanggap siya ng medalya kay Ka Eraño Manalo bilang isa sa mga maagang tinawag sa INC. Ang buong angkan ni Lolo Atanacio na kapatid ng aking Lolo Josef ay Iglesia lahat hanggang ngayon, at proud kami na ang iba sa kanila ay mga ministro na ng INC.
Samantala, ang buong angkan naman ng aking Lolo Leocadio ay Protestante lahat, at proud din kami na ang kanyang anak at aking pinsan na si Manong Expedito ay pinuno na ngayon ng isang malaking Protestant university sa Visayas.
Bagamat magkaiba kami ng relihiyon, mainit ang pagtanggap sa akin ng aking mga kamag-anak, at dapat lang, dahil mas mabigat naman ang mga dugong lumalatay sa aming mga ugat. As usual, masarap at matamis pa rin ang biko ni Auntie Elsa, kasing tamis ng aming pagmamahalan sa isat isa. Of course, ma-beauty pa rin si Auntie Glovic, ang bunso sa mga pinsan ni Tatay.
Samantala, hindi rin kaila sa karamihan ang aking pagmamahal sa mga kapatid nating Muslim, na nagsimula pa noong bata pa ako sa Mindanao, hanggang sa ngayon na ako ay nagpapatuloy sa aking public service.
Wish ko lang na habang minimithi natin ang pambansang pagkakaisa, simulan natin ito sa pagmamahalan sa loob ng ating mga pamilya, kahit ano pa man ang mga relihiyon ng ating mga kamag anak. Sa aking pananaw, dapat maging pundasyon ng pagkakaisa ng bayan ang peaceful co-existence ng ibat ibang paniniwala sa Diyos. Wish ko rin na sa ating kalakaran papunta sa kaunlaran, walang maiiwanan sa ating mga kababayan, kahit ano pa man ang kanilang kalagayan sa buhay, at kahit ano pa ang kanilang paniniwala.
* * *
Makinig sa USAPANG OFW sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. Mag-e-mail sa [email protected], text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515 at bumisita rin kayo sa Our Father’s Coffee.
- Latest
- Trending