^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Nagsawa na ba sa artistang kandidato?

-

MABIBILANG sa daliri ang mga artistang nanalo sa 2007 elections. At sa nangyari, unang maisasaisip ay nagbago na nga ba ang mga bo­ tante at naging matalino na? Nagkaroon na sila ng isip?

Isa sa mga artistang nanalo si Batangas governor-elect Vilma Santos. Ang iba pang mga kandi­datong artista na tumakbo sa pagka-senador ay hindi sinu­werte. Mababanggit sa mga artista na  tumakbong senador sina Tito Sotto, Richard Gomez at Cesar Montaño. Maging sa local position ay      may mga  hindi rin pinalad na gaya ni Christopher de Leon na tumakbong vice governor ng Bata-  ngas. Pero sabi ni De Leon, dinaya siya. Walang ipinagkaiba sa sinabi ng ibang kandidato.

Natuto na nga marahil ang mga botante sa pag­hahalal ng kandidato. Naisip siguro na hindi porke at sikat ay maaari nang maglingkod sa sambaya-nan. Natuto na rin at ang tiningnan marahil ay ang mahabang karanasan na rin naman ng artista sa paglilingkod. Kung ang kandidatong artista ay ngayon lamang sumabak sa pulitika, maaaring iyon ang tiningnan ng botante. Matalino na nga marahil ang mga botante ngayon.

Maski ang sikat na sikat na boksingerong si Manny  Pacquiao ay hindi umubra sa kanyang kala­ban. Nakita na hindi porke at sikat ay maaari nang iboto. Nag-isip na mabuti at tinimbang ng taum­bayan ang bawat kandidato na isinulat sa kanilang balota. Hindi katulad sa mga nakaraang eleksiyon na basta sikat ay iboboto at bahala na si Batman.

Ang isang masasabing halimbawa nang pag­ boto na ang kasikatan ang ginawang batayan ay nang mailuklok si dating President Joseph Estra-da noong 1998 elections. Landslide si Estrada at hindi maaaring dayain ang boto. Pero makalipas lamang ang tatlong taon, ang mga taong nagluklok din sa kanya sa puwesto ay nakitang nagmartsa sa EDSA para siya pababain sa puwesto. Isang malaking pagkamamali ang pagboto sa isang artistang nangako na hindi naman natupad ang karamihan sa mga ipinangako.

Nag-iisip na ang mga botante sa kanilang iha­halal. Unti-unti nang nawawala ang karisma ng artista sa publiko at pinatunayan iyan ng nakaraang eleksiyon. Hindi na ubra artistang kandidato sa panahong ito. Iilan na lamang silang handang maglingkod.

vuukle comment

CESAR MONTA

DE LEON

NATUTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with