^

PSN Opinyon

AFP: May piloto pero walang eroplano!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MAY nakakwentuhan akong retiradong heneral ng Philip­pine Air Force kamakailan. Tinanong ko sya kung ano ang tingin nya sa AFP ngayon. Tumahimik muna sya sandali at tila gumu­nita. Nang magsalita na sya, binanggit nya na inabot nya ang panahon na ang Philippine Air Force ang siyang kinatatakutan sa buong timog-silangang Asya dahil sa klase ng mga eroplanong ginagamit nito, yung F-5A at F-5B Freedom Fighter. Wala nang lumilipad na gani­tong eroplano natin ngayon. Dahil sa kalumaan, may mga aksidenteng naga­nap, may mga napinsalang piloto at sibilyan na syang naging sanhi ng pagtigil sa gamit ng eroplano. Mga ibang kapitbahay nating bansa ay tuloy ang paggamit ng Freedom Fighter, pero mga mas bagong modelo. Ngayon mas marami nang piloto kaysa eroplano ang Hukbong Himpapawid natin. At huli na tayo sa timog-silangang Asya base sa klase ng mga eroplanong kasalukuyang ginagamit natin. Naka­kaawa nga naman. 

Yan ang kalagayan ng buong AFP ngayon, hindi lang ang Hukbong Himpapawid. Mga kulang at makalumang gamit, karamihan ay nanggaling pa sa pangalawang digmaang pandaigdig at sa Vietnam War; kulang sa pondo — produkto ng katiwalian sa gobyerno pati na rin sa loob ng organi­sasyon ng military; mababang sweldo at kakaunting bene­pisyo lamang. Ano ang dahilan kung bakit nagkaganito na tayo?  Kailan lang ay tayo ang kinatat­akutan, tayo ang may mga bagong gamit, tayo ang respe­tadong hukbong san­datahan sa timog-silangang Asya? 

Siyempre unang-una na rito ang katiwalian sa gob-yer­no na umapaw na rin sa militar. Hindi ba’t ito nga ang ipi­na­g­rerebelde sa Oakwood at doon sa naunsiyameng rebelyon sa Fort Bonifacio noong Pebrero?  Ang pondong karapat-dapat sana sa militar ay kung saan-saan(kani-kanino) na lang daw napupunta ayon sa di iilan. Imbes na mapunta sa pagbili ng kagamitan, sa bulsa na lang ng iilang tao sumusuot. Imbis na magaganda at ma­kabagong gamit o san­data, ang suspetsa ay bagong bahay at kotse na lang para sa iilan. Nalulung­kot akong isipin na ka­sama na rin dito ang ilang matataas na rang­­gong sundalo. At ang magagandang ga­mit  nga daw ay napu­pun­ta lamang sa mga nagba­bantay ng Malacañang! 

Kailan lang ay sunud-sunod ang pagbagsak ng mga Huey UH-1H helicopters. Dalawa sa isang araw! Ito pa yung mga binigay sa Pilipinas kailan lang. Mga bete­rano ng digmaan sa Viet­nam noong 1960s!  Pa­ha­yag naman ng AFP: ang sanhi ng pagbagsak ay hindi dahil sa luma na o may diperensya ang mga helicopter. Maaari ay sala daw ng mga piloto, o dahil pa daw sa pisi ng saranggola! E kung pisi lang ng sarang­gola ay mapapabagsak na ang helicopter na ito e paano pa kaya kapag dinadala na ito sa laba­nan at bala na ang ka­harap! Baka magpalipad na lang ng maraming saranggola ang mga kalaban ng bayan pag alam na paparating na ang AFP!

Ang lakas ng isang bansa ay madalas si­nu­sukat sa lakas ng kan­yang militar. Mala­king bahagi ng budget ng mga mayayamang bansa ay napupunta sa militar. Ang Top 5 na gu­magastos para sa kalaka­­sang militar sa buong mundo ay ang Estados Unidos, UK, France, Ger­many at Hapon. Kung ganito nga ang panukat, e hindi siguro tayo maka­kaporma sa ngayon. Hindi naman kulang ang tapang at dedikasyon ng ating mga magigiting at marangal na sundalo. Kulang lang talaga tayo sa gamit at pondo. Kung magaganda at moderno lang ang gamit ng AFP ngayon, matagal na sigu­rong napuksa ang mga kalaban ng bayan tulad ng Abu Sayyaf, MILF, at NPA..

Siguro nga malakas ang loob ng mga insu­rektos dahil alam nila na hindi lang kulang sa   ka­pa­­bilidad ang AFP kundi kulang sa integri­dad   ang pamunuan.

ASYA

FREEDOM FIGHTER

LANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with