Polis gipadakop sa iyang hepe
PANAHON na siguro para isoli nii PRO 4-A director Chief Supt. Nicasio Radovan ang staff car ng Quezon City Police Station District (QCPD) na tinangay niya. Kasi nga, habang iniim bestigahan ang pagsunog ng eskuwelahan sa Taysan, Batangas may posibilidad na maungkat pa itong staff car isyu na hindi magdudulot ng maganda para kay Radovan.
Sa pagkaalam ko kasi mga suki, dinala ni Radovan sa PRO4-A ang staff car na provided for ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte para sa district director ng QCPD. Pero sa hindi malamang dahilan, hindi ito iniwan ni Radovan sa bagong hepe ng QCPD na si Sr. Supt. Magtanggol Gatdula. Kaya’t si Gatdula, sariling sasakyan ang gamit niya. He-he-he! Wala kayang sariling staff car ang director ng PRO 4-A?
Subalit hindi lang naman si Radovan ang nagdala ng staff car sa pag-alis niya sa kanyang puwesto. Nasa listahan din sina Dir. Willy Garcia at Chief Supt. Prudencio Regis. Si Garcia na ang chief ng Directorate for Operations (DO) ng PNP samantalang si Regis naman ang deputy chief ng Comptroller. Dati si Garcia ay hepe ng Southern Police District (SPD) at si Regis ang deputy niya. Ang masaklap niyan, dinala nina Garcia at Regis ang mga staff cars nila na Toyota Revo at ginagamit lang ito sa ngayon ng mga back-up o security nila. Sa pagka-alam ko pa, itong mga bagong upo ng SPD director na si Chief Supt. Boysie Rosales ay ibinaba sa kalye ang mga staff cars na naaatang sa kanila ng mga staff officers niya para magamit sa pagpatrulya.
Ngayon mga suki, maliwanag na hindi kulang ang mga sasakyan ng PNP kundi hindi lang tama ang paggamit sa kanila. Kaya dapat ibalik na nina Radovan, Garcia at Regis ang mga staff cars nila para madagdagan ang bilang ng mga mobile o patrol cars sa kalye sa ngayon kung saan tumataas ang bilang ng kriminalidad bunga sa pagbukas ng eskuwela. Dapat pa bang sumulat ang NCRPO kina Radovan, Garcia at Regis para ibalik nila ang mga staff cars na tinangay nila? Mahiya naman kayo, mga Sirs! He-he-he! Meron ba sina Gen’s. Radovan, Garcia at Regis n’yan?
Sa mga patuloy na gumagamit ng staff cars ng QCPD at SPD, aba dapat isoli n’yo na ang mga ’yan dahil mainit pa ang mga ’yan sa mata ng sambayanan. Hindi lang ’yan! Donasyon ang mga ’yan ng mga local at Japanese govern- ment at hindi galing sa pondo ng PNP. Kaya ang dapat na makinabang diyan ay ang sambayanan at hindi ang iilang opisyal ng PNP, di ba mga suki? Abangan!
- Latest
- Trending