^

PSN Opinyon

10 ka inihaw'ng kanding gisakmit

- Ni Elly Bolonos -

HABANG nag-uubusan ng kayamanan ang mga sena­toriable sa 10th to 15th place, sa Kongreso ay nag­ha­handa na silang wakasan ang termino ng mga nakaupo at salubungin ang mga nanalo. Sa mga lalawigan, lungsod at bayan na hindi napalitan ang gobernador at mayor, business as usual. Ang masaya ay kung saan may turn-over sa kontra partido. Mga lugar gaya halim­bawa ng Nueva Ecija (Joson to Umali) o Muntinlupa (Fresnedi to San Pedro).

Dahil sa June 30 pa susumpa ang mga bagong halal, may natitira pang mga isang buwan at kalahati sa ter-mino ng mga papalitan. Tradisyon na sa “homestretch” na ito’y wala nang gawing kontrobersyal ang mga pata-pos na, lalo na ‘yung mga natalo. Dapat bantayan ang pag-appoint ng bagong empleyado’t opisyal o ang pagpasok sa bagong kontrata. Ang pag-reject sa mga natalo ay mensahe na hindi na sila OK sa kanilang pinaglilingkuran. Kaya’t wala na silang K, ika nga, na pumapel pa. Gawin na lang ng mabuti ang tungkulin at mapayapang i-“turn­over” ang pamunuan sa mga bagong pinag­katiwalaan.

Ang Kongreso ay hindi rin naiiba sa ganito (sa ingles ay LAME DUCK, galing sa imahe ng pato na hindi makalakad). Subalit pagmasdan natin sa pagbukas muli ng sesyon sa June 4 (hanggang June 8) at sigu­radong maraming nakabinbin na batas ang pakya wang ipapasa ng outgoing na senador at congressman. Hindi na nila ito mapananagutan sa tao kaya’t dapat ding ban­tayang mabuti.

Behind closed doors ay nagmi-meeting na ang mga nagkakatunggaling paksyon hindi lamang sa Kongreso kundi pati rin sa mga Sanggunian para pag-usapan ang kanilang bagong orga­nisasyon. Sino ang ma­gi­ging Speaker, Pro-tempore, Majority Lea­der, Appro­priations Chair­­man atbp. Very exciting ang mga pana­hong ito para sa ating mga ba­gong halal. Umaali­ngasaw ang proseso sa amoy ng pansariling interes, subalit bahagi talaga ito ng bagong mun­dong pinasukan.

Nagpurga na ang ba­yan ng kanilang si­na­saloob.  Bunuin na natin hanggang mata­pos bago bumalik sa busi­ ness as usual.

ANG KONGRESO

BAGONG

KONGRESO

MAJORITY LEA

NUEVA ECIJA

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with