^

PSN Opinyon

Mga er sa bogo gidala sa manila

- Edwin Ian Melecio -

KAY Darren Smith, college professor sa Florida, pa nanggaling ang babala tungkol sa kumukulong bagong iskandalo sa nursing sa Pilipinas. Apat sa bawat sampung foreign nurses sa America ay Pilipino, kaya interesado si Smith sa nursing education sa Pilipinas.

Nabalitaan ni Smith na may 366 nursing graduates sa Dipolog Medical College nu’ng March 2007. Pero humigit-kumulang 100 lang sa kanila ang pakukuhain ng school administration ng nursing board exam sa June 2007. ‘Yung iba, inipit umano ang diploma at transcript of records para hindi maka-apply mag-exam sa Professional Regulatory Commission.

Kalahati ng 100 mag-e-exam ay lumang DMC gra­duates na uulit lang dahil bumagsak na; ibig sabihin, mahigit 300 bagong graduates ang hindi makakapag-exam. Ang mga puwede lang ay ‘yung mga nagbayad ng P40,000 para sa review classes at pumasa sa  “pre-board test.”

Bakit nagkakagan’un? Ayon kay Smith, parating kulelat ang DMC sa exams. Isa sa bawat tatlong graduates lang ang nakakapasa sa board. Kabilang ito sa mga bulok na nursing schools. Balak daw ng Commission on Higher Education na isara ang nursing schools na mas mababa sa 75% ang passing rate. At binalaan na ang DMC na isasara ito kung hindi pa rin tumaas ang kahiya-hiyang 30% passing rate.

Aba’y lumalabas sa kuwento ni Smith na ang naging tugon ng DMC ay hindi ang pagbutihin ang pagtuturo ng nursing. Sa halip, ipinasa nila sa graduates ang problema. At pinaka-masaklap, pinagkitaan pa sila.

Dahil hindi kumpiyansa ang DMC sa sariling gra­duates, pinili lang nito kung sinu-sino ang mag-e-exam sa June 2007. Ang hindi napili, hindi rin binigyan ng school records para hindi umabot sa PRC application deadline.

Akala mo suwerte ang mga napili? Hindi. Siningil sila ng P40,000 para sa review class na may pre-board     test. At ‘yung mga nagbayad at nakapasa lang ang pinatutuloy na mag-board exam.

Dapat imbestigahan ng CHED at ng PRC ang kalu­pitang ito.

vuukle comment

DARREN SMITH

HIGHER EDUCATION

NURSING

PILIPINAS

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with