Robbers kill employee
EPEKTIBO ang campaign pitch ng Genuine Opposition (GO). ‘‘Isang boto lang po laban sa nakaupo’’. It seems that the trend is irreversible. Dominado ng mga GO senatorial bets ang winning circle sa pag-usad ng proseso ng bilangan. Kung may intensyon man na magdagdag-bawas ang administration ticket, hindi nakaporma under the watchful eyes of the citizenry. Tight guarding talaga ang nangyari.
Ang pagsigla ng stock market at paglakas ng piso na halos nasa P45 sa bawat dolyar ay tanda ng kom piyansa ng local at dayuhang business community sa nagaganap na unprecedented reform sa sistema ng ating politika. Kahit may mga election related violence, napakaganda ng kinalabasan ng halalan. Malinis. Pero umaaray pa rin ang nagwawaging oposisyon sa umano’y pandaraya ng kalabang ticket. Klasikong halimbawa ang Maguindanao. Balita ko’y inihahanda na ng oposisyon ang kasong isasampa laban sa COMELEC dahil sa anila’y talamak na pandaraya.
Lumantad ang isang teacher na ayaw magpakilala. Sinabi niya na walang naganap na eleksyon sa Maguindanao kundi pinuwersa sila ni Governor Ampatuan na I-fill up ang mga balota ng pangalan ng lahat ng Team Unity senatorial bets. Ginamit pa umano nila ang finger prints ng mga batang mag-aaral sa mga balota. Iyan daw ang dahilan kung bakit naka-12-0 ang TU sa naturang lugar. Umalma agad ang GO. Pinadedeklara ang failure of elections sa Maguindanao. Ang lagay ba naman, dahil lamang sa ‘‘testimonya’’ ng isang taong ayaw magpabunyag ng identity ay pawawalang bisa na ang resulta ng eleksyon? Kahit sino ay puwedeng mag-akusa but proving the accusation is another thing.
Iyan ang reaksyon ni COMELEC Chair Abalos. Magpakita muna ng pru weba ng dayaan. Bakit umaalma ang oposisyon gayung sa pangkalahatan, minamasaker nila sa bilang ng mga boto ang TU? Mahigit otsenta porsiyento na ang mga botong nabibilang na siguradong magkakaroon tayo ng isang opposition Senate. Isang Senado na ang tanging layunin ay buwagin ang naghaharing administrasyon bago pa man matapos ang termino nito sa 2010. Remember — ‘‘isang boto lang po laban sa nakaupo.’’ At dahil malamang na ang House of Represen tative naman ay kontro lado ng mga mambabatas na kaalyado ni GMA, siguradong gulo ang kalalabasan, tulad ng dati. Impeachment na walang kahihinatnan laban sa Pangulo na ang suma-total ay pagkapa ralisa ng ating bayan.
OK sana na si GMA lang ang sumasakit ang ulo pero hindi. Taumbayan ang nagdurusa.
- Latest
- Trending