Chad & Jeremy, The Association concert extended
NAGKAISA ang state-firm Philippine International Trading Corp. at si Sen. Mar Roxas para pagpahingahin ang walong milyong Pilipino na may hypertension. Ipinakakansela nila sa intellectual Property Office ang local patent ng Norvasc, ang pinaka-mabili pero mahal na gamot sa sakit. Anila dapat tularan ng Pilipinas ang gan’un ding pagkansela ng US patent ng Norvasc ng US Court of Appeals. Kung makinig ang IPO, makapag-iimport na ang PITC ng Norvasc sa ika-walo lang ng presyo nito sa bansa. Makakapag-manufacture na rin ang Filipino generic drugs makers ng sarili nilang amlodipine besylate, ang asin na sangkap ng Norvasc.
Lalabanan tiyak ng Pfizer, may-ari ng Norvasc patent, ang pagbura sa Pilipinas. Pero sa America, makalipas ang isang dekada ng bakbakan sa korte, naglaho na ang lisensiya. Pinasya ng three-man judicial panel na hindi naman pala bagong imbensiyon ang amlodipine besylate kundi hinintay na sangkap at lantaran ang kaalaman tungkol dito. Inabuso rin daw ng Pfizer ang lisensiya mula sa US Patent and Trademark Office. Dati, tatlong generics makers sa America ang nagtangkang lumikha ng sariling amlodipine besylate o katumbas na asin, pero hindi pinayagan ng lower courts dahil may patent daw ang Pfizer. Wala na ‘yun ngayon.
Binebenta ang Norvasc sa Pilipinas nang P41.41 kada 5-mg tablet. Kung burado na ang patent nito, legal na maiimport ang parehong gamot nang P5.77 lang mula India. “Hindi puwede magmintis miski isang araw lang ng mamahaling gamot ang mga may hypertension,” ani Roxas. “Kung tularan natin ang US, halos walong milyong Pilipino ang magiginhawahan.”
Sakit sa puso at vascular system ang pinaka-nakamamatay sa Pilipinas. Nu’ng 2004, anang National Statistics Office, 342,284 ang namatay sa sakit, o morbidity rate na 428 kada 100,000 populasyon.
Nu’ng 2005 nag-import ang PITC ng pitong tablets ng Norvasc mula India, para ipa-testing sa local labs kung pareho ang sangkap ng Norvasc sa Pilipinas. Dinemanda agad ito ng Pfizer ng patent violation. Kumbaga, obligado na sa Pilipinas lang bumili ng Norvasc, hindi kung saan mura.
- Latest
- Trending