‘Naghihingalong industriya
May 11, 2007 | 12:00am
NAGHIHINGALO ang industriya ng Pelikulang Pilipino. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito.
Una na rito ay dahil na rin sa malaki ang cost of production ng paggawa ng pelikula. Pangalawa ay malaki ang bina bayarang buwis ng ating mga producers. At isa sa pinakamalaking "factor" ay ang pagpipirata o paggawa ng mga nakaw na kopya ng pelikula at ibinebenta sa murang halaga.
"Antayin ko na lamang lumabas ang pirated copy ng pelikulang ‘yan. Mas mura kasi hindi ko na kailangang magbayad ng pamasahe, magbihis, magbayad sa takilya at buong pamilya pa namin ang makakapanood," sabi ni Larry ng Barangay Cuyab, San Pedro, Laguna.
Totoo nga naman dahil na rin sa halagang P40 may DVD o VCD pirated copy ka na kahit na sabihin mong napanood mo ito ng minsan at madaling masira dahil sa mababang quality nito pero kung sa sampung miyembro bawat pamilya ang makakapanood at masasabing sulit na ang pagkakabili dito.
Hindi niyo ba napapansin na ang ating local producers ay nawawalan na ng gana na gumawa ng bagong pelikula? Pababa ng pababa ang bilang na pinoproduce kumpara noong nakaraang taon. Sino ang nakikinabang? Ang mga namimirating replicating machines na maaaring gumawa ng libo-libong kopya sa loob lamang iilang minuto.
Ang lahat ng pagpapagod, gastos at puhunan ng mga artista, producers at production crews ay sa bulsa ng mga buwayang pirata napupunta ang kita.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si senatorial candidate Vicente "Tito" Sotto tungkol sa lumalalang pamimirata sa ating bansa.
Si Sotto, isa sa mga main author ng Optical Media Act ay nagsabi na ang Optical Media Law ay pinagtibay ng ating gobyerno na labanan ang mga nag-ooperate ng production at marketing ng mga DVDs, CDs at iba pang phonographic materials.
Bago pa lamang nito, ang ating bansa ay nasa watch list mula pa noong taong 2001. Sa report, ang United States Trade Representative (USTR) pinatibay din ang implementation ng Optical Media Act, kasama na rito ang mahigpit na regulasyon ng optical disc plants’ licenses at ang well-coordinated raid laban sa illegal manufacturing at retail establishment kung saan mga international syndicates ang nagpapalakad dito.
"Natutuwa ako sa nagiging resulta ng ating pinagpapaguran. Makalipas ang apat na taon ng implementation ng Optical Media Act kung saan pinangunahan ko sa Senado noong, ito ay nagresulta ng pagkakahuli na umaabot sa 1,537,383 optical discs na nagkakahalaga ng mahigit sa P200 million mula pa noong February 2006. Pinapatunayan na lamang na ang batas na ito nakakatulong sa naghihingalong music at film industry sa ating bansa laban sa mga namimirata", paliwanag ni Sotto.
Sinabi pa ni Tito na hindi dapat na iwalang-bahala na lang ng ating gobyerno na malimitahan ang paglabag laban sa intellectual property rights.
"Dapat tayong magtulung-tulong upang masugpo at matapos na ang media piracy. Kinakailangan ding gamitin ang pagiging creative at resourceful ng mga Filipino upang ang tangkilikin ang ating sariling produkto," pahayag ni Tito.
Bago matapos ang aming pag-uusap sinabi rin nya na hinihimok niya ang mga Overseas Filipino Workers na bumuto.
Patuloy na hinimok at pinaalalahanan ni senatorial candidate Tito Sotto ang ating mga kababayang OFWs na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa halalang ito kahit na ito ay isang mid-term eleksyon lamang.
"Mukhang konti pa lang ang bumoboto sa ngayon, mga 9% pa lamang," ani Sotto.
Ayon sa rekord ng Comelec, mayroon 504,110 rehistradong absentee voters sa iba’t-ibang parte ng mundo. Pero limang araw bago matapos ang halalan ay 44,976 pa lamang ang nakaboto.
Sabi pa ni Sotto, author ng Overseas Absentee Voting Law, na naniniwala siya na dadagsa pa ang mga botante habang papalapit ang mga huling araw hanggang Mayo 14.
"Alam kong malaking abala para sa ating mga kaba bayan abroad ang bumoto dahil karamihan sa kanila ay kailangan pang maglakbay ng malayo upang makarating sa ating mga embahada at konsulada. Pero ok lang sa kanila ito dahil nais nilang makatulong sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpili ng mga karapat-dapat na mga lider. At ito naman talaga ang dahilan kung kaya’t isinulong ko ang pagpasa ng batas na ito," paliwanag ni Sotto.
Nuong eleksyon ng 2004, 65% ng mga ‘overseas voters’ ang bumoto. Ito ang unang pagkakataon na ipinatupad ang Absentee Voting Law at dahil nga presidential election iyon ay mataas ang interes at partisipasyon ng ating mga kababayan abroad.
"Gayunpaman, naniniwala ako na marami pa rin sa ating mga OFWs ang lalahok sa ating halalan ngayon, kailangan lamang marahil ng konting paalala at paghikayat," dagdag ni Sotto.
Ayon kay Sotto maari namang bumoto ang iba sa pama magitan ng ‘postal mail’ subalit ang karamihan ay kailangan pa ring magtungo sa ating mga embahada at konsulada na nakasasakop sa kanilang lugar.
Nagsimula ang ‘absentee voting’ sa 88 lugar sa labas ng bansa nuong Abril 14 at magtatapos ngayong Mayo 14 sa alas-3 ng hapon, oras sa Maynila.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anu mang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended