Jinggoy for RP President?!
May 10, 2007 | 12:00am
NAKAGUGULAT ang balitang Oplan Jingle Bells, na ang layunin ay ipuwesto si Sen. Jinggoy Estrada bilang Senate President upang ihanda sa kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo ng bansa sa 2010.
Anang barbero kong si Mang Gustin, buti pang buwagin na lang ang Senado bago mangyari ang "komedyang" iyan. Nabuo raw ang oplan noong Pebrero sa isang secret meeting sa Tanay, resthouse ni dating Presidente Estrada na kinapipiitan niya. Nanguna si Erap sa pulong na dinaluhan ng kanyang mga ever-loyal na kabig na sina Horacio Morales, Atty. Rolly Martinez na kapwa dating cabinet officials ni Erap at ang hard-hitting anti-GMA columnist na si Herman Tiu Laurel.
Ganito raw ang modus operandi. Parehong bibigyan ng financial support ang mga senatorial candidates ng Team Unity at Genuine Opposition (GO) kapalit ng kanilang pagsuporta sa tinatarget na senate presidency ni Jinggoy. Hmm, kung totoo iyan – malinaw na pamamangka ito sa dalawang ilog. Ang tanong, sino ang mga kandidatong ilalaglag niya sa GO?
Balita ko’y kasama sa mga "sinusuyo" na maki-join sa plano sina senatoriables Mike Defensor, Tito Sotto, Migz Zubiri, Sonia Roco at John Osmeña.
Mayroon din daw component ang plano na pamumudmod ng mga sample ballots na naglalaglag kina Loren Legarda, Manny Villar at Ping Lacson na kumokontra sa kanilang plano. Pero ipapalit sa kanila ang mga TU candidates na susuporta sa kanilang grand plan. Grabe na ito. Saan ka ba nakarinig ng kulungang ginagawang war room sa pagpaplano ng ganyang mga political strategies? Ang tanong, papayag kaya si Miriam Defensor San tiago na matagal na ring atat masungkit ang pamumuno sa Senado? At ano ang mangyayari kina Ping, ST at Loren-Loren sinta?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest