^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Dayaan sa election at mga sundalo sa Metro

-
HINDI masisisi ang taumbayan kung magkaroon ng hinala na ang mga nakakalat na sundalo sa mga squatters area ay gagamitin ng administration para makapandaya sa darating na election. Ang ganitong senaryo ay nakita na sa mga nakaraang election kaya marami na ngayon ang nagiging mulat sa mga nangyayaring may kinalaman dito. Noong 2004 election, malaki umano ang naging papel ng military sa nangyaring dayaan sa Mindanao. Nagpagamit umano ang mga sundalo sa pulitiko sa kabila na ipinagbabawal sa mga ito ang makilahok sa mga gawaing pulitikal. Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sangkot ang mga sundalo.

Ang presensiya ng mga sundalo sa may 26 na slums area sa Metro Manila ay agad na binatikos nang maraming grupo. Nagbabalik ang alaala ng martial law kung saan ay ginamit ni President Marcos para takutin ang mamamayan. Kinasangkapan ng diktador para mabusalan ang bibig ng mga lumalaban sa kanyang pamamahala.

Agad namang sinabi ng AFP na i-educate nila ang mga nasa squatters area na may kinalaman sa election. Bukod sa pagtuturo, nagsagawa rin sila ng mga libreng pagtuli, libreng bunot ng ngipin at ibang pangsibikong gawain.

Nagsimula ang deployment ng mga sundalo sa mga squatters area noon pang nakaraang December 2006. At ang sabi pa ng AFP maaaring madagdagan pa ang mga sundalo sa slums kahit na matapos na ang election. Hindi raw nila mapigil ang mga nagre-request na maglagay ng sundalo sa kanilang lugar. Isa sa nag-resquest ay ang apat na barangay sa Paco. Mas makagaganda raw at magkakaroon ng katahimikan sa kanilang lugar kung may mga sundalo.

Iisa ang nakikitang dahilan sa deployment ng mga sundalo sa mga slums area — gagamitin sila para makapandaya. Wala namang ibang maaaring kasangkapanin kundi sila sapagkat sila ang may mga armas. At gaano ang takot na hatid ng mga sundalong may armas? Nagbabalik ang senaryo ng martial law.

Tama lamang na tutulan ang deployment ng mga sundalo sa Metro. Hindi sila dapat dito kundi sa mga lugar na maraming teroristang nagsasabog ng lagim sa mga sibilyan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUKOD

IISA

METRO MANILA

NAGBABALIK

PRESIDENT MARCOS

SUNDALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with