^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mali ang timing kay Jojo Binay

-
SA halip na lumubog lalo pang lumitaw si Makati City Jejomar Binay at ito ay dahil sa maling timing ng Department of Interior and Local Government (DILG), Office of the Ombudsman at pati na rin ng Bureau of Internal Revenue. Ang tatlong ito ang nagpasikat kay Binay at maaaring dalhin na ang kasikatan sa Lunes (May 14, election day). Mali ang timing na kung kailan magkakaroon ng election ay saka tila pinagpupuyukang manok si Binay. At alam ni Binay na maaaring sa kanya mabaling ang simpatya ng publiko o mga kababayan niya. At ito ang magiging behikulo niya para manalo muli sa Makati bilang mayor. Walang masisisi, kundi ang DILG, Ombudsman at BIR sa kanyang pamamayagpag. Lumabas na may bahid ng pulitika ang ginagawang "panggigipit" kay Binay. Ang kalaban ni Binay sa pagka-mayor ay si Sen. Lito Lapid, number one supporter ni President Gloria Arroyo.

Pero sabi naman ng Office of the Ombudsman walang halong pulitika ang ipinalabas nilang suspension order kay Binay. Trabaho lang ang kanilang ginagawa. May nagsampa ng kasong graft kay Binay at natural lamang na ipag-utos niya sa DILG ang suspension dito. Pati ang BIR ay nakisali at pinigil ang bank account ng Makati at ganoon din ang personal account ni Binay at kanyang vice mayor.

Ang ganitong aksiyon ay lalo lamang nagpadagdag sa kinang ni Binay at nagdagsaan ang mga kababayan niya sa Makati City Hall para siya ipagsanggalang. Natural na ganito ang kanilang gawin sapagkat lumalabas na kinakawawa ang kanilang mayor. At kung sino ang kinakawawa ay iyon ang nakakakuha nang sobrang simpatya.

Mali ang timing at pati ang mga kandidato ng administrasyon ay nangangamba na sa kanila tatalbog ang ginagawang "panggigipit" kay Binay. Sila ang magiging kawawa at maaaring maging dahilan para pulutin sa kangkungan.

Pero dapat din namang magpakita ng halimbawa si Binay. Kung naniniwala siya na walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanya ng Ombudsman, BIR at DILG bakit hindi niya hayaang batas ang humatol. Kung malinis ang konsensiya niya wala siyang dapat ikatakot.

BINAY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

LITO LAPID

MAKATI

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY JEJOMAR BINAY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with