L.4.N.T.U.
May 2, 2007 | 12:00am
S4S. Comebacking Senator si Vicente "Tito" C. Sotto III, pangalawa sa pinaka-senior na Senador sa T.U. Ang kanyang palayaw sa Pulitika ay Tito, as in "Uncle". Kaya kung tawagin siya’y Tito Sen. Noong unang sumabak sa serbisyo bilang Vice Mayor ng Quezon City, kinilala siyang Tito Vice. Kapag magpatuloy ang pagbagsak niya sa survey, baka tawagin siyang Tito Log at may tulog siya sa mga kandidato ng GO.
Si Senador Sotto ay isa sa mga artistang pulitiko na hindi maaring tawaran ang rekord. Sa Senado, lagi siyang nakikilahok sa mahalagang mga debate lalo na sa usaping drugs, local government, tourism at intellectual property. Produkto ng Letran, siya’y nagtapos din ng Executive Program for leaders sa Harvard. Kung hindi dahil sa kontrobersya sa paglipat niya sa administrasyon, malamang ay hindi natinag ang kanyang posisyon bilang topnotcher.
Maaalalang si Tito Sen ang isa sa originals ng KAMPI party noong 1998. Ito sana ang behikulo nila ni GMA sa pagtakbo bilang pangulo at bise-presidente. Hindi siya bumalik sa KAMPI. Sa halip ay nag-NPC na partido ni Ambassador Danding Cojuangco.
T.A.O. Apektado rin sa usaping ito ang isa pang haligi ng oposisyon na sumanib kay GMA, ang pangatlong senior senator ng T.U. at ang tanging babae sa tiket na si Tessie Aquino Oreta o TAO. Tulad ni Tito Sen, si Senador Oreta ay isa ring "hardworking" na Senador. Ang kanya namang larangan ay Edukasyon at kababaihan kung saan marami siyang batas na naipasa, hindi lang sa Senado kundi pati rin sa Kongreso (naging 3-term Congresswoman ng Malabon/Navotas). Kabilang dito ang Solo Parent Act at ang pagtatag ng barangay day-care centers. Si TAO ay Assumptionista tulad ni GMA at LOREN.
M & K. Pangbuo ng tiket ng TU sina Gov. Vicente Magsaysay at Sultan Jamalul Kiram. Si Magsaysay ng Zambales ay kaangkan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Dati itong tumakbong Vice President katiket ni Madam Imelda R. Marcos no ong 1992. Naging assemblyman ng Zambales noong 1978. Ikalawang gobernador sa TU tiket, ang plataporma niya’y palakasin pa ang pamahalaang lokal. Si Atty. Jamalul Kiram naman na nag-iisang Muslim sa TU ay ang kasalukuyang Sultan ng Sulu. Graduate ng MLQU Law School, ipaglalaban niya ang mga karapatan ng Bangsamoro Muslim Filipinos at ang peace and development ng Mindanao.
LAST 4 NG TEAM UNITY
SOTTO: 82
ORETA: 80
MAGSAYSAY: 78
KIRAM: 75

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended