Ospital na pinagawa ni Zaplan sa Sta. Barbara, 8 am to 5 pm lang?
April 29, 2007 | 12:00am
SIYAM na taong nanungkulan bilang mayor ng Sta. Barbara, Pangasinan si Carlito Zaplan bago pinalitan ng asawa niya. At sa darating na May election, gusto ni Zaplan na bumalik sa dating puwesto niya. Kung sabagay, wala namang sabit kung naisin ni Zaplan na maging mayor na muli dahil ayon naman ’yan sa batas. Subalit ano ba ang maaaring ipagmalaki ni Zaplan sa mahabang panunungkulan niya? Maaaring ang unang ibabando ni Zaplan ay ang pagpapagawa niya ng P6 milyong ospital sa Sta. Barbara na imbes na makatulong eh nagpapahirap pa sa kanyang constituents niya. Bakit? ’Yan ang magandang tanong, di ba mga suki?
Ayon sa nakausap ko na taga-Sta. Barbara, ang ospital na ipinatayo ni Zaplan eh nagbibigay serbisyo lang mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Aba, parang government office ah! Kaya’t kapag nagkasakit ka mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng umaga, tiyak dedbol ka. Kaya sa bayan ng Sta. Barbara, bawal magkasakit sa gabi dahil tiyak walang medical practitioners na titingin sa kalagayan mo sa nabanggit na ospital dahil bawal ang overtime roon. Maaaring marangal ang intensyon ni Zaplan nang ipagawa niya ang lying-in clinic… este ospital pero maliwanag na hindi ito nakatutulong sa nasasakupan niya, anang kausap ko.
Teka nga pala! Itong clinic… este ospital pala ay ipinagawa ni Zaplan sa isang kilalang kontratista sa Pangasinan sa halagang P6 milyon. Pero ayon sa iba pang-kontratista na dating kasamahan ni Zaplan, umabot lang sa P4 milyon ang nagastos sa nasabing ospital. Ang tanong ngayon, saan napunta ang sobrang P2 milyon na pondo? Dapat sagutin ni Zaplan ang mga tanong na ito, di ba mga suki? He-he-he! Kung hindi masagot ni Zaplan ang tanong, maaaring kumilos dito ang Ombudsman.
Hindi lang ’yan ang problema ni Zaplan. Noong mayor pa pala siya, maraming beses na ang pagpupulong nila ng mga opisyales niya ay ginawa sa tabi mismo ng sabungan na pag-aari niya. Hindi lang ito minsan nangyri kundi maraming beses, ayon sa isang konsehal na dating kapartido ni Zaplan. Anong klaseng opisyal ng gobyerno ang gagawa ng ganu’ng hakbangin? Only in the Philippines! Public office is a public trust, ika nga. Kaya itong pagpupulong sa tabi ng sabungan ni Zaplan ay maaaring maging daan upang ang Sta. Barbara ay mapalagay sa Guinness Book of World Records. Maraming beses na kasing tinangka ng bansa natin na makuha ang kung anu-anong records tulad ng pinakamahabang barbecue grill, pinakamalaking strawberry cake, mahaba ring ihawan ng bangus at iba pa. Pero sa pagpupulong ng opisyal ng bayan sa tabi ng sabungan, aba bago ’yan, di ba mga suki? Sa tingin n’yo ba nangyayari ’yan sa iba pang bayan? He-he-he! Iba talaga si Zaplan ’no mga suki?
Paano pagkakatiwalaan ng taga-Sta. Barbara ang liderato ni Zaplan kung batbat pala ng anomalya ang kanyang katawan nong mayor siya? Paloloko pa kaya ang taga-Sta. Barbara sa laway ni Lito Zaplan? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest