Ang Dual Citizenship Law ay naging batas noong 2003 upang makamtang muli ng mga Pilipino na permanente nang naninirahan at nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas ang pagiging isang Pilipino kasama na ang pagboto sa mga eleksyon. Pero noong 2004 election marami pa rin ang hindi nakaboto dahil marami pa rin ang wala pang dual citizenship. Yun namang may dual citizenship, hindi naman alam kung papaano sila boboto at sinu-sino ang kanilang iboboto.
Ibig sabihin, kulang na kulang ang educational campaign ng Comelec at Bureau of Immigration na namamahala sa dual citizenship. Mukhang walang koordinasyon ang mga ahensiyang ito para bigyan ng kaalaman ang mga Pilipino sa bansang kinaroroonan.
Sa aking palagay, mahirap pang sabihin na nakam-tan na ang goals and objectives ng Dual Citizenship Law. Sa US ay milyun-milyung Pilipino ang permanente nang naninirahan dito, ilang libo pa lamang ang naka-register na may dual citizenship.
Naniniwala ako na makabubuti ang dual citizenship sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa kung malalaman lamang nila ang tunay na layunin at benepisyo ng batas na ito.